^

PSN Showbiz

Ate Guy, sinasanto ang slot machine!?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Suwerte pa rin si No­ra Aunor. Kasi ­ab­­swelto siya at nga­yon ay pwe­deng ma­ka­balik  at i-ac­tivate ang kan­yang ca­reer at i-regain ang kan­yang pagiging super­star, kesa naman nasa Amerika siya at kung anu-anong kwento ang lumalabas na kesyo lahat ng Pili­pino na na­kikilala niya roon, inu­uta­ngan para may  pang-Casino siya.

Kuwento nga ng isang kaibigan, minsan daw ay may nakasalu­bong itong isang Pinoy sa Vegas. Since na-starstruck ang Pinoy, kinausap nito si Ate Guy. Kaso inutangan daw ito ng superstar ng $100 na sabi na lang daw ng Pi­noy ay sa kanya na lang at ‘wag nang bayaran.

Kinuha pa raw ang telephone number ng Pinoy ni Ate Guy at tina­wagan pa ito para mang­hiram uli ng pera. Sa first call daw ay nakipagkita ang fan pero second and third call ay hindi na nito sinagot.

Grabe rin daw kung santuhin ni Ate Guy ang slot machine as in dina­dasalan ito ng superstar.

But anyway, nga­yong abswelto siya, inaasahang balik-‘Pinas na siya para naman ma­tapos na ang usap-usapan sa kanya.

* * *

Ayaw nang pag-usa­pan ng mala-Diyosang si Ruffa Gutierrez ang dati niyang asawang si Yilmaz Bektas. Mas ma-appreciate niyang pag-usapan ang bago niyang endorsement na MET Whitening Soap na nagkaroon ng launching the other day.

Mas marami raw kasi ngayong nakakapansin na sobrang puti niya. In fairness nga at parang walang bakas ng kahit anong sakit na narana­san niya noong nasa Istanbul pa siya.

“Mula nang ginamit ko ang MET, napaka-radiant na ang beautiful  skin ko. Kaya nga kahit yung mga kaibigan ni mommy (Annabelle Rama), pag nakikita ako, tinatanong ako kung ano ang ginagamit ko dahil daw parang nag-iba ang skin ko,” sabi ni Ruffa.

Manufactured pala sa Japan ang MET at me­ron itong six pre­mium ingredients para makaputi ng skin – alpha arbutin, gluta­thione, soy bean milk culture filtrate, soy bean extract and palm and coconut oils.

Well, try kaya nating gumamit baka sakaling maging ala-Ruffa rin ang skin natin. Mabibili sa lahat ng Watsons ang MET.

Anyway, since du­mating sa bansa ang actress, sunud-sunod na ang commercial en­dorse­ments at TV shows.

Kasalukuyan na­mang nasa Amerika ang mommy at daddy niya para manood ng laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas sa October 8.

* * *

Isa si Rufa Mae Quin­to sa masasabing artista na sa pagdaan ng panahon ay nanatiling nakaapak pa rin ang mga paa sa lupa sa kabila ng mga tinata­masa niyang tagumpay bilang sexy actress.

Ngayon ay hindi na lang basta pag-aartista ang ginagawa niya kun­di nagi-invest na rin siya bilang producer sa latest offering ng Viva Films na Apat Dapat, Dapat Apat kung saan siya rin ang artista ka­sama ang mga katulad niyang mga di-kalibreng kome­dyan­te na sina Eu­gene Do­mingo, Pok­wang and Candy Pa­ngi­linan sa direksyon ni Wenn De­ramas ka-tandem ang magaling na writer na si Mel del Rosario na nagbigay ng blockbuster movie na Ang Cute Ng Ina Mo.

Hindi rin niya ini-expect na sa pelikulang ito niya mahahanap ang mga bagong kaibigan nang gawin nila ang pelikula.

In fact, hindi nga niya napigilang umiyak dahil hindi niya raw ini-expect na makakakuha siya ng mga bagong kaibigan sa katauhan ng tatlong komedyante na naka­sama niya ng matagal-tagal din sa shooting.

At lalong mas tum­i­bay ang kanilang pag­kakaibigan nang mag­sama-sama sila sa shoot­ing ng pelikula sa Hongkong.

“Siyempre noong una hindi naman talaga kami comfortable pa na magkakasama dahil first time ko silang lahat nakasama. Pa­rang na­ka­bukod ako parati, pero parang ha­bang tumatagal ay naging mas malalim na ang na­si­mulan naming friend­ship. Nagkukwentuhan na kami ng mga pro­blema namin,” sabi ni Rufa Mae na hang­gang nga­yon ay love­less pa rin after ng break-up nila ni Erik Santos.

Kaya naman luma­bas na natural ang gi­nawa nila sa pelikula dahil madali nilang natapos ang pelikula.

“Nung nasa Hong­kong kami, dun ko mas na-realize na nandoon talaga yung suporta namin sa isa’t isa,” she added. “Kami-kami lang dun ang nag-shooting pero naging madali.”

Excited na ang sexy actress dahil showing na sa October 10 ang pinakahihintay na pelikulang Apat Dapat, Dapat Apat.

Magkakaroon ng celebrity and VIP pre­miere ang Apat Dapat, Dapat Apat sa October 8 sa Podium Cinema at premiere night sa Oct­ober sa Cinema 10 ng SM Megamall.

vuukle comment

APAT DAPAT

ATE GUY

DAPAT APAT

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with