^

PSN Showbiz

KC, hindi dadalo sa premiere ng first movie ni Direk Lino

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Tatlong game shows ang sunud-sunod na ilo-launch ng GMA-7 sa October. Ito’y ang Send o Save, Kakasa Ka Ba sa 5th Grader? at Whammy. Ang huli ang mauunang umere sa October 8 at papalit sa Mga Mata Ni Anghelita na magtatapos sa Oct. 5.

Sina Rufa Mae Quin­to at Paolo Bedio­nes ang hosts ng Wham­my na mami­migay ng ma­lalaking papremyo. Ito ang ipapalabas ha­bang hindi pa ready ang Ka­man­dag at wala pang ba­lita kung magtutuluy-tuloy ito kahit umeere na ang action series ni Richard Gutierrez.

Kumpirmado nang si Janno Gibbs ang host ng Kakasa Ka Ba sa 5th Grader? na Philip­pine version ng Are You Smarter than A 5th Grader? Sa Oct. 20 ang premiere nito at papalit sa Celebrity Duets.

Sina Ariel at Ma­verick ang hosts ng SoS at sa kanila namin nala­mang daily ito at pre-programming ng Eat Bulaga. Nalito lang kami sa sabi ni Ariel, original concept ito, pero may nagsabing franchise ang game show. Sa presscon ma­lalaman ang iba pang details sa show.

* * *

Ube halaya agad ang hinanap ni KC Concepcion pagdating niya mula sa Paris at sa Tiendesitas siya na­kabili. Sobrang favorite niya ang Pinoy kakanin at naging favorite rin niya ang purple color dahil dito. Kapag ku­makain siya nito, na­aalala niya ang Baguio vacation nila ng mga pinsan noong bata pa siya.

Habang nandito, nami-miss naman niya ang coffee sa Paris. Hindi siya mahilig sa iced tea at softdrink and it’s either coffee, fresh dalandan juice or wine. “Para sosyal,” pagbibiro nito.

Kundi mababago ni direk Lino Cayetano ang desisyon ni KC, hindi ito dadalo sa pre­miere night ng I’ve Fallen For You at pa­nonoorin na lang ang first directorial job ng rumored boyfriend sa regular screening ng movie.

May chance pa rin ang fans niya na makita siya ng personal sa grand launching niya as the newest endorser/image model ng Bayo sa October 25 sa Activity Center ng Glorietta. Si KC din ang stylist ng fashion show together with Jenni Epperson.

* * *

Inalam ni Jay-R Siaboc ang ratings ng Pangarap na Bituin at Your Song nila ni Maja Salvador at medyo nalungkot na hindi ganun kataas ang rating ng YS. Pambawi niya ang magandang ratings ng teleserye nila nina Rica Peralejo, Sarah Geronimo at Jericho Rosales.

Gustong sumubok sa pelikula si Jay-R kung kukunin siya ng Star Cinema dahil na­wala na ang kaba niyang umarte. Binibig­yan din siya ng acting tips nina Jericho at Cherry Pie Picache na kailangan maging na­tural at ‘yun ang kan­yang ginagawa.

Samantala, sa Sept­ember 28, may fund-raising concert si Jay-R sa Ba­rangay Awihaw, To­ledo City sa Cebu kung saan siya lu­maki. Ang kikitain ay ipag­papagawa ng chapel ng kanilang lugar. Nahihiya itong mang-imbita ng mga kaibigang singers dahil wala siyang bud­get, pero nag-volunteer mag-perform si Yeng Constantino ng walang bayad.

* * *

Magagandang ba­ bae at magagaling na singers ang guests ni Mark Bautista sa kan­yang Simply Irresis­tible concert sa Aliw Theater sa October 13. Nangunguna sina Sa­rah Geronimo, Ra­chelle Ann Go, at Sitti. Kasama rin sina Anne Curtis at Rufa Mae Quinto at makiki-jam­ming din si John Lapus.

Masaya si Mark sa line-up ng guests niya lalo na sa pagpayag nina Rufa Mae at Ra­chelle na sa concert niya mag-guest at hindi sa concert nina Erik Santos at Christian Bautista.

Produced ito ng Viva Concerts & Events. For ticket inquiries, call 6876181 local 620 or Ticketnet at 9115555.

vuukle comment

CITY

KAKASA KA BA

NIYA

PLACE

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with