Ang bagay na leading man kay Jennylyn
Maaari bang walang leading man si Jennylyn Mercado sa horror movie na Tiyanaks? Alam ni Mother Lily na kung lalagyan, ang aktor na ito ay dapat lang na si Mark Herras.
Sobra ang tiwala ni Mother Lily kay Mark bilang isang actor. Inihahalintulad niya ito kay Aga Muhlach, isa sa kanyang paborito. Tiyak daw na magiging isang big star si Mark.
Kung nag-enjoy si Mark sa paggawa ng Tiyanaks ay ganun din ang excitement niya sa every taping day ng Fantastik Man, ang fantaserye ng GMA 7. Dumadami ang magiging kaaway ni Fantastic Man. Lumadlad na si Tadtad bagama’t ayaw ibunyag kung anong hiwaga ang bumabalot sa kanyang ka tauhan. Bakit disfigured ang kanyang mukha? Magkakaroon din ng sidekick ang ating superhero na ayaw pang ipaalam kung sino ito. Hindi naman siguro bading?
* * *
Kung papanoorin ninyo ang Silip ay dapat simulan ninyo sa umpisa dahil isa itong psycho thriller. Pwede rin tawaging isang sex drama na punung-puno ng sex. Bubusugin ang inyong mga mata sa pagtatalik nina Diana Zubiri at Francine Prieto kay Polo Ravales na tumakbong hubo’t hubad kasama si Francine sa talahiban. Pwede rin ninyong masilipan si Diana habang naliligo.
R 13 ang ibinigay ng MTRCB sa pelikulang Silip. Wala itong eksenang pinutol o ginunting ng classification board.
Palibhasa’y tatlo lamang ang main characters sa Silip kaya’t sa kanila lang nakatutok ng husto ang camera. Napakaganda ng rehistro ni Polo Ravales. Wala siyang masamang anggulo ika nga. How he has improved sa kanyang pagganap.
- REMY UMEREZ
- Latest




















