^

PSN Showbiz

JayR, nag-sorry kay Sam!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Sobrang proud si Claudine Barretto sa pamangking si Julia (anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto) na gumaganap na young Claudine sa Walang Kapalit dahil marunong at magaling umarte. Nagpaalam siya rito kung puwedeng dumalaw sa taping dahil ayaw niyang ma-conscious at nagulat siya sa napanood dahil pareho silang magaling ni Sam Concepcion na gumaganap na young Piolo Pascual.

Sa magkakapatid, si Julia lang ang gustong mag-showbis at ang iba’y sa TV commercial lang gustong lumabas. Pinababayaan nina Marjorie at Dennis kung ano ang gusto ng mga anak, basta ang importante ‘di napapabayaan ang pag-aaral nila.

Sa July 31 manganganak si Claudine and by October, magti-taping na siya ng bagong soap after Walang Kapalit. Kundi sa Medical City ay sa Cardinal Santos siya magsisilang at 80 percent ng ultrasound ay nakikitang lalaki ang unang anak nila ni Raymart na ang first name ay Rodrigo, sunod sa pangalan ng mga Santiago na sa letter R nagsisimula.
* * *
Pinangangatawanan nina Kris Bernal at Mart Escudero ang pagiging Ultimate Loveteam ng StarStruck 4 dahil kahit off-camera ay very sweet sila. Wala pang ligawang nangyayari sa dalawa, pero inamin ng huli na masaya siya ‘pag nakikita’t kasama ang kapareha.

Tuluy-tuloy na ang build-up sa kanilang loveteam ng GMA-7 via The Boys Next Door na sa May 13 na magsisimula kasama ang ibang produkto ng SS4. Birthday pala ni Mart sa April 11 at isi-celebrate niya ang kaarawan sa SOP today.

Si Popoy Caritativo, manager ni Dennis Trillo ang manager ni Mart, kaya tinanong ito kung napi-pressure na mapantayan ang kasikatan nito?

"Walang masyadong pressure, pero gusto kong makahabol sa galing niyang umarte. Gagawin ko ang lahat para ‘di ma-disappoint ang mga sumuporta sa akin at para mabigyan ako ng maraming trabaho. Gusto kong makaipon para makabili ng car kahit second hand muna dahil sa Cavite pa ako umuuwi," sabi nito.
* * *
Bukas na ang alis ng PDA scholars para sa kanilang US Tours na magsisimula sa show sa San Diego. Hanggang April 22 sila roon at isa sa pinaka-excited sa lakad na ito’y si Jay-R Siaboc dahil first time niya sa Amerika. Makikita na raw niya ang mga lugar na napapanood lang niya sa sine, nakikita sa mga magasin at ikinukuwento ng mga kaibigan.

Tiniyak ni Jay-R na sulit ang mga bibili ng tiket sa three to four solo songs nila, may duet at may production number pa. Sa mga lakad na ganito, nadadagdagan ang ipon niya, pambili ng lote sa Cebu na patatayuan ng bahay para sa kanyang pamilya.

Gusto na palang kalimutan ni Jay-R ang isyu sa kanila ni Sam Milby at natuwa ito’t agad tinanggap ng huli ang kanyang pagso-sorry. Hindi na raw siya magbibiro at magiging careful na sa kanyang mga salita at kilos sa susunod.

Kaya lang, ‘di kaya magtampo si Sam na winala ni Jay-R ang inarbor niyang hikaw dito? Hindi naman pala ibinigay kundi hiningi niya ang controversial earring, tapos na-misplaced pa.
* * *
Mapapanood this Sunday after S Files ang making of Lupin entitled Sino Si Lupin? Makikila ang pagkatao ng pinakaguwapo at pinaka-matinik na master thief na bibihag sa puso ng viewers. Silipin kung ano ang nasa puso at isip ni Andre Lupin at kung sino ang mg tao sa likod ng kanyang tagumpay at pagbasak.
* * *
Second week na ng My Ghost Bride ng Magic Kamison at sa rating ng pilot episode, napatunayang may followers ang tambalan nina LJ Reyes at JC de Vera. Sila ang bida rito as the bride and groom na ‘di natuloy ang kasal dahil sa aksidente.

Hindi nakasipot si Misty (LJ) sa kasal nila ni Adrian (JC). Magkikita lang sila muli sa tulong ng magic kamison na hawak ni Chuchay (Gladys Guevarra). Subaybayan kung paano magtatapos ang kakaibang love story na ito.

vuukle comment

ANDRE LUPIN

CENTER

JAY-R

WALANG KAPALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with