^

PSN Showbiz

Ayaw pagamit sa bakla!

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Finally, may isang award giving body na kumilala sa mga kontri busyon ni Kuya Germs sa industriya ng entertainment sa ating bansa. Pero marami nga ang nagsasabi, hindi naman kailangan ni Kuya Germs ang isang trophy. Hindi naman siya naghahanap ng ganoong parangal eh, ang hinahanap lamang ng master showman ay iyong bigyan naman ng pagpapahalaga ng kanyang mga kapwa artista ang parangal na ginagawa niya para sa kanila.

Hindi naman kasi naghahangad ng karangalan para sa sarili niya si Kuya Germs eh. Ang gusto niya, yong lahat ng iba pang mga artista ang mabigyang parangal, kagaya ng pagpapahalagang ibinibigay din sa mga stars sa Hollywood. Iyon ang dahilan kung bakit ano man ang mayroon sa Hollywood na pagpapahalaga sa mga stars, gusto ring magawa sa Pilipinas ni Kuya Germs.
* * *
May isang milyonaryong bakla na lumapit diumano sa isang kasali sa isang tv personality contest at nangakong maipapanalo niya yon sa contest. Pero syem pre ang gusto niyang kapalit ay magiging boyfriend niya ito. Magalang naman daw na tumanggi ang bata. Inamin niyang gusto niyang manalo sa contest pero hindi naman daw niya magagawang para lamang magkaroon ng katuparan ang kanyang ambisyon ay gagamitin niya ang kanyang katawan.
* * *
Kung natutuwa man si Judy Ann Santos na sunud-sunod ang kanyang pananalo ng acting awards sa taong ito, mapapansin mo rin naman ang labis na katuwaan ng kanyang boyfriend na si Ryan Agoncillo. Isa rin namang aktor si Ryan, pero makikita mo na hindi tulad ng ibang magkarelasyon na parehong artista na nakakadama pa rin ng professional jealousy sa isa’t isa, sa kanilang dalawa ay wala yon.

Madalas na sinasabi ni Juday, suwerte sa kanya si Ryan. Kasi nga naman simula nang maging on sila, mataas ang ratings ng kanyang mga tv shows, iyong kanilang pelikula noong festival ang lumabas na totoong top grosser dahil mas malaki ang kinita noon nang lumaon kaysa sa kinilalang top grosser na pelikula, at ngayon sunud-sunod pa nga ang panalo niya ng acting awards.

Mapapansin mo rin naman na sa lahat ng mga na-link kay Juday, si Ryan lamang ang mukhang nagpapakita ng genuine concern para sa kanya! Kasi naman ang kanilang relasyon ay totohanan, hindi kagaya ng mga nauna na nanligaw lang kunwari kay Juday para magkaroon sila ng loveteam.

Itong kaso ni Ryan, may loveteam man sila o wala, gumawa man sila ng pelikula o hindi, talagang nanliligaw siya kay Juday. Hindi pang-showbiz ang kanilang relasyon.

Makikita mo rin naman na talagang in love si Juday. Katunayan ngayon lang naman naging open si Juday sa pagsasalita tungkol sa kan yang lovelife.

Isa pa, ngayon maipagmamalaki naman ni Juday na isang tunay na lalaki ang boyfriend niya.

vuukle comment

JUDAY

KUYA GERMS

NAMAN

NIYA

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with