^

PSN Showbiz

Pamilya Lapid, aprub kay Jill Yulo!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nakakwentuhan namin si Jill Yulo sa presscon ng Maria Flordeluna na ang kapareha ay ang dating nobyong si Alwyn Uytingco. In love uli ang magandang young actress kay Meynard Lapid.

"Sobra nga po ang bait niya at tahimik pa. Nagagalit siya kapag ginagabi ako ng uwi galing sa gimik. Lagi niyang sinasabi na alagang-alaga nga daw niya ako at ni ayaw padapuan sa lamok. Kaya ngayon po ay di na ako magimik. Alam din niya ang nakaraan kong relasyon at di naman siya nagseselos. Four months na kaming mag-on at maganda ang aming relasyon," aniya.

Dinala na rin siya ni Meynard at ipinakilala sa kanyang daddy, mommy at mga kapatid at boto naman silang lahat kay Jill.

Sa kabilang banda, hindi niya alam ang gagawin nang malamang si Alwyn ang magiging leading man sa Maria Flordeluna.

"Noong una nagkakailangan kami sa set pero later ay naging komportable na uli kami sa isa’t isa. Hindi kasi naging maganda ang paghihiwalay namin. Pero friends na kami at maganda na uli ang aming working relationship," dagdag pa ni Jill.

Nakatatlong pelikula na sa Star Cinema ang aktres at naging mainstay ng Sarah The Teen Princess at nakasama rin sa main cast ng Qpids.
Pangarap Ang Yumaman
First time ni Kristel Fulgar na maging kontrabida na mapang-api kay Maria Flordeluna kasama ang lola na ginampanan ni Liza Lorena.

"Challenging po ang role ko at malalaman ko kung magaling ang akting ko kapag nagalit na sa akin ang mga tao," aniya.

Nag-iipon siya ng pera dahil gusto niyang makabili ng magandang van. "Gusto ko rin pong yumaman-mayamang-mayaman para makabili ako ng dream house ko. Kaya di ko pinababayaan ang pag-aaral ko dahil ang edukasyon, sure na yayaman ako kaysa sa pag-aartista," sey nito.

Pangarap din ni Kristel na maging piloto o stewardess paglaki nito.
Pinapayagang Maging Commercial Model
Nagdiwang ng 1st birthday si Gian Christopher Sommeraux ang superguwapong anak nina Gladys Reyes at Christopher Roxas noong Martes kung saan dinaluhan ito ng cast ng Bahay Mo Ba To na sina Keempee de Leon, Tessie Tomas, Pekto, Wendell Ramos, gayundin ang mga kaibigang artistang sina Judy Ann Santos at Janice de Belen.

Bongga ang selebrasyon kung saan bukod sa maskot ay nakakaaliw din ang magician na may pagka-komedyante.

Tinanong namin si Chris kung payag ba siyang pag-artistahin si Christophe paglaki nito.

"Siguro hanggang sa pagiging commercial model lang. Gusto naming maging normal ang kanyang paglaki at makapag-aral ng mabuti," aniya.

Idinaos ang kaarawan nito sa napakagandang Grand Terrace Venus Garden na pag-aari ni Josephine Abesamis.

vuukle comment

ALWYN UYTINGCO

BAHAY MO BA TO

CHRISTOPHER ROXAS

GIAN CHRISTOPHER

GLADYS REYES

GRAND TERRACE VENUS GARDEN

JILL YULO

JOSEPHINE ABESAMIS

MARIA FLORDELUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with