Eric, miss na ang pag-arte!
January 10, 2007 | 12:00am
Nakausap namin si Direk Eric Quizon sa press launch ng Asian Treasures at sinabi nito na may alok pala sa kanya para lumabas sa soap opera sa isang channel. Pero kahit nami-miss na niya ang pag-arte ay di niya tinanggap ang offer dahil sobra siyang busy sa Asian Treasures.
Five days ang taping nito at kailangan nilang mag-location sa Palawan, Laguna, Tagaytay, Bataan, Baguio at Bohol. Pupunta rin sila sa Bangkok, Beijing China at iba pa kaya halos wala na siyang panahon sa kanyang pag-aartista.
Si Miguel ay nanalo ng 2006 Cartoon Network Award of Excellence in Art at Garfield Image Model.
Nakalabas na ito sa pelikulang I Will Always Love You kasama si Angel Locsin gayundin sa digital film na Ina... Anak... Pamilya.
Magandang gawing halimbawa si Miguel na tinaguriang "Munting Star" mula sa San Juan Batangas dahil sa murang edad nito ay marami na siyang naging achievements sa buhay.
"Sinisigawan ng komedyante ang asawa dahil hindi nito sinunod ang bilin niya (comedian) na patingnan ang sirang aircon. Gusto ng comedian na patingnan ito sa murang halaga lang at di dun sa kinuhang magkukumpuni ni misis na sumisingil ng mas mataas na presyo. Dahil lang dun ay nagagalit ang komedyante na kilala rin pala sa pagiging kuripot," anang reporter.
Ang komedyante ay kailangan talagang magkuripot dahil iilan na lang ang raket niya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
























