^

PSN Showbiz

Vic, Pia, hindi makakasal!

-
Isa kami sa naging guest ng Gandang Ricky Reyes kasama ang mga kapatid sa panulat na sina Vero Samio, Linda Rapadas, Len Llanes at Nene Riego. Guest din ang mga manghuhula na sina Rene Mariano, Madam Rosa at Madam Auring.

Tinanong namin kung matutuloy ba sa kasalan ang relasyon nina Vic Sotto at Pia Guanio.

"Walang nakatuluyan at pinakasalan si Vic sa mga nakarelasyon niya kaya ganito rin ang mangyayari sa kanila ni Pia, at walang kasalang magaganap," sey ni Madam Rosa.
Life Begins At 40 For Pops
Forty years old na si Pops Fernandez na nagdiwang ng kanyang kaarawan kamakailan lang. Naging ispesyal ito sa kanya dahil kasama niya si Jomari Yllana.

Noong November 30 naman ay nag-organized siya ng party para sa 20th b-day ng kanyang anak. Dumalo si Martin Nievera.

Enjoy si Pops sa pagsabak niya sa aksyon sa Zsa Zsa Zaturnnah, Ze Moveeh. Kahit nasaktan sa maraming eksena ay memorable sa kanya ang pelikula dahil kontrabida siya rito.
Marri, Orig Na Crystal Voice Of Asia
Mismong si Marizen Yanesa-Soriano ang magpapatunay na si Marri Nallos ang original Voice of Asia. Si Marizen ang composer ng awiting "Mahal Naman Kita" na napapakinggan sa A Rosy Life ng GMA 7.

"Mismong si George Canseco at Inday Badiday ang nagbinyag sa kanya nito noong 2001. Nasa Star Records pa siya noon at hanggang ngayon ay siya lang ang may K para gamitin ang titulo," ani Marizen na isa ring music teacher.

Ang carrier single ng "Marri Nallos, The Crystal Voice of Asia" musical album ay ipinamamahagi ng Sony-BMG Records at available sa lahat ng record outlet nationwide. — Emy Abuan-Bautista

vuukle comment

A ROSY LIFE

CRYSTAL VOICE OF ASIA

EMY ABUAN-BAUTISTA

FOR POPS

GANDANG RICKY REYES

GEORGE CANSECO

INDAY BADIDAY

MADAM ROSA

MARRI NALLOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with