^

PSN Showbiz

Alfred, walang dating kay Katrina!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Hindi pa showbis si Katrina Halili dahil nang tanungin kung sino sa mga actor ang maganda ang dating para sa kanya’y hindi si Alfred Vargas na leading man niya sa Gigil at wala rin sa mga kasamang actor sa SuperNoypi ang binanggit. Sina Richard Gutierrez at Piolo Pascual ang pinangalanan nito.

Kahit pinayuhan ng press na isama si Alfred at Mark Herras, hindi ito sumunod. Gwapo raw si Richard at talagang may dating para sa kanya. Sexy naman for her si Piolo na tama lang ang laki ng katawan at ‘walang muscles na namumutok.

Mas malaki ang posibilidad na makatrabaho niya si Richard either sa GMA-7 o sa Regal pero, si Piolo ang malabo. Pero, malay din natin kung kunin ito ni Mother Lily at ipareha sa kanya. Pagdating ng araw na ‘yun, lubos na matutuwa ang dalaga.

Gusto ni Katrina ang costume niya sa SN dahil balot na balot siya at wala raw magrereklamo gaya ng MTRCB na binalabalan ang lower part ng body niya sa poster ng Gigil. Kaya lang, balot na balot na nga, labas pa rin ang kanyang kaseksihan.
* * *
Matutuwa nito si Gloria Romero dahil finally, magkakaroon na rin ng regular show ang apong si Chris Gutierrez. Kasama ang 14-year-old sa youth-oriented show ng ABS-CBN.

Matagal nang hinintay ng bagets na magkaro’n ng regular show na maipagmamalaki sa kanyang lola. Nag-guest na siya sa ASAP, Game Ka Na Ba?, Komiks at Homeboy pero, iba ang regular show dahil every Saturday siya mapapanood ‘di lang ng kanyang lola.

Dancing, acting at cooking ang special skills ni Chris. Yung dancing, sarili raw niyang talent, ang acting, namana niya sa lola niya at ang cooking, nakuha niya sa mommy niyang si Maritess Gutierrez na isang magaling na chef.
* * *
Inaayawan dati ng mga producer ang actress na ito dahil kahit magaling, wala raw box-office appeal. Kahit bagay sa kanya ang role, ‘di pa rin napupunta sa kanya dahil iniisip ng producer na baka ‘di panoorin dahil ‘di siya sikat.

Nagbago lang ang lahat at nagkaroon ng box-office appeal ang actress nang subukang gumawa ng comedy. Kahit ‘di siya kasing-galing ni Aiai delas Alas sa pagpapatawa, keri niya ang maging comedian at doon, klik siya sa tao and finally, box-office star na rin siya. Malaki ang kinita ng last movie nito at sunud-sunod ang kanyang project.

Ang hectic schedule na ang pumipigil sa actress na tanggapin ang maraming offers na dumarating sa kanya at ‘di dahil wala siyang box-office appeal.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

CHRIS GUTIERREZ

DAHIL

GAME KA NA BA

GIGIL

GLORIA ROMERO

KAHIT

KATRINA HALILI

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with