^

PSN Showbiz

Rufa Mae, nagtitinda ng CP accessories!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Ginawa na palang negosyo ni Rufa Mae Quinto ang paggawa ng cellphone accessories na natutunan niya habang nagbabakasyon sa Hongkong. Ang sarili nitong mobile phone ang unang binihisan ng nagkikislapang borloloy at isa kami sa nag-suggest na gawin niya itong negosyo‚ mukhang may flair siya.

Obviously, sinunod ng girlfriend ni Erik Santos ang payo ng press dahil isang TV reporter ang isa sa kanyang customer. Ipinakita sa amin ng TV reporter ang cellphone na may nakadikit na three blue borloloy at binili raw niya kay Rufa Mae for P150. Ibig sabihin, P50 ang isa na dahil maliliit, nag-comment kami na may kamahalan. Tiyak na isasagot ng dalaga na kaya mahal dahil galing sa Hongkong ang kanyang materials.
* * *
Kay Richard Gutierrez na nanggaling na up to January next year ang Captain Barbell at aabot hanggang December ang kanilang taping. Kung ganoon, matagal pang lilipad ang Pinoy Superhero. Wala pang alam na next project sa GMA-7 ang actor pero, sabi ni Annabelle Rama, meron nang inihahanda ang network.

Kahit tuluy-tuloy ang taping, siniguro ni Richard na matatapos sa itinakdang schedule ni direk Joel Lamangan ang shooting ng Mano Po 5: Gua Ai Di (I Love You). Kaya raw niyang mag-lagare sa dalawang project dahil ginawa na niya ito.

Big blessings kay Richard ang pagdating ng pelikula ng Regal at entry pa sa Metro Manila Film Festival. Wala sa plano niyang gumawa ng movie at focused siya sa CB pero, hindi natanggihan ang offer dahil maganda ang script, si Joel ang director at muli niyang makaka-pareha si Angel. Hindi pala sila nagkikita kaya, panay ang kumustahan sa storycon.
* * *
May topak pala itong si Sandara Park at ‘di namimili ng oras kung kelan totopakin. Na-delay ang alis ng press at mga artista papunta sa birthday party ni Jude Estrada sa resthouse nila sa Tanay dahil sa kanya.

Nagtampo si Sandy nang maiwan ng grupo dahil ‘di nila alam na nasa loob pa siya ng restroom. Ayun, nang balikan, ayaw lumabas at ayaw nang sumama. Pinakiusapan ni Joseph ang tao sa restroom na lumabas muna habang sinusuyo ito, nang malaman nito na inis na ang mga naghihintay ay saka pa lang lumabas ang dalaga. Di ko alam kung nag-sorry sa mga naapektuhan sa pagta-tantrums niya.
* * *
Kaabang-abang ang mga episode sa Bakekang this week. Muntik mabenta ni Mameng (Vangie Labalan) si Kristal kundi naabutan ni

Bakekang (Sunshine Dizon) na nakalabas sa pagkakakulong nang piyansahan ni Christoph (Jay Manalo).

Pero, ikinagalit ni Valeria (Sheryl Cruz) ang ginawa ng asawa at gagawa ito ng paraan para di makasali si Kristal sa audition pero, ito ang napiling endorser ng milk products.

Seven years old na sina Kristal at Charming (Yasmien Kurdi) pero, ang una lang ang may handa. Pero, lumabas ito nang dumating ang ninong Christoph niya. Bongga naman ang birthday party ni Lorraine (Nadine Samonte). Away ang resulta nang magkita sa TV station sina Kristal at Lorraine.
* * *
Guest si Cristina Decena sa episode ngayon ng Moms entitled Sa Rurok ng Tagumpay. Magsi-share ito ng tips kung paano siya yumaman at paano siya mas yumayaman. Kasama rin sa guests nina Lani Mercado, Manilyn Reynes at Sherilyn Reyes sina Francisco Colayco, Violy Langit at Renee Salud.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

BAKEKANG

CAPTAIN BARBELL

CENTER

CHRISTOPH

CRISTINA DECENA

KRISTAL

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with