^

PSN Showbiz

Jana, may hindi magandang ugali!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Isa si Jana Roxas sa malakas ang dating sa mga myembro ng StarStruck 3. Kaya lang may gusto kaming iparating sa kanya para mapalapit siya sa press people. Na-meet namin siya minsan sa isang party at kasama ko ang isang kaibigang kolumnistang bading.

Ipinakilala kami sa kanya pero, komo di kami kilala ni Jana ay ni hindi man lang kami tiningnan. Naupo siya sa isang mesa. Siguro may nakapagsabing nagsusulat kami kaya napilitan siyang bumati sa amin later. Pero hindi naging maganda ang impresyon namin sa kanya. Kapag nalaman pala niyang press people ay saka lang siya babati.

Hindi kami magtataka kung bakit nasabi ng ilang beteranang aktres (sikat pa) sa amin na hindi maganda ang PR ng mga baguhang kabataang artista ngayon. Kapag magkasama sila sa set ay nilalampasan lang sila ng mga ito.
UFC Superstar, Nasa Bansa
Nasa bansa ngayon ang undefeated UFC (Ultimate Fighting Champion) superstar na si Brandon Vera, kilala ito sa larangan ng mixed martial bilang "The Truth" at dahil sa pagiging ruggedly handsome, mabait at palakaibigan kaya naging ambassador ng popular sport na ito.

Ang kanyang ama ay isang Italyano at Pinay naman ang ina. Magaling din siya sa Tagalog dahil kadalasan ay ito ang ginagamit na wika sa loob ng kanilang bahay. Third time niyang pumunta ng Pilipinas at ngayong may asawa na siya ay gusto niyang dito lumaki sa bansa ang magiging anak dahil sagana sa Filipino values.

Nagsasanay siya ng mga kabataan sa martial arts sa San Diego, California. Gusto niyang magtayo ng School of Martial Arts dun.

Paborito niya si Dolphy bilang komedyante at Rufa Mae Quinto dahil malakas ang dating nito sa kanya.

Kung nasa martial arts si Brandon ay nasa boxing naman ang kanyang napangasawang si Kerry, isang taon pa lang silang kasal. Napapanood ang mga laban niya sa States sa pamamagitan ng Solar Sports. Gusto rin niyang mag-artista at minsan ay napagkamalan si Brandon na si Vin Dissel o Nicolas Cage.

Ang next fight nito ay sa November 18 at makakasabay ang fight nina Manny Pacquiao at Eric Morales.
Blind Item: Matigas Ang Ulo Ng Young Actress
Nasabi sa amin ng isang baguhang aktres na hindi nakikinig sa kanya ang kaibigang matalik na sumisikat na ring young actress ngayon. Pasaway ito at nagkaroon ng suspension sa isang programa dahil nga sa attitude problem.

"Sabi ko sa kanya (tawagin natin siyang actress B) na tigilan na ang paninigarilyo. Kahit saan nagsisigarilyo siya kahit may mga tao at fans niya," sey ni Actress A.

Parang tsimineya ang bunganga ng young actress na visible sa pelikula at telebisyon. Nanalo sa isang reality competition ang aktres na ito na may katigasan ng ulo.

vuukle comment

ACTRESS A

BLIND ITEM

BRANDON VERA

ERIC MORALES

ISANG

JANA ROXAS

KAPAG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with