Vina, underrated performer
() - August 14, 2006 - 12:00am
Mas madalas sa abroad kesa dito sa Pilipinas ang singer-actress-TV host na si Vina Morales. Paborito kasi siya ng mga concert producer-promoter dahil bukod sa mahusay as a performer ay hindi rin maarte o mareklamo. Simpleng babae lang kasi siya kaya madaling i-please. On the other hand, she goes out of her way para ma-please naman ang mga fans niya. Maski pagod na pagod, lumalabas pa rin siya sa dressing room para pumirma ng autograph, maki-pose for souvenir pictures at makipagtsikahan sa mga tagahanga niya.

Never pang may nagsabing hindi sila kuntento sa performances ni Vina. Hindi lang siya mahusay kumanta kundi magaling ding sumayaw kaya binabansagang "Total Performer". Dahil sa karamihan ng numbers niya ay danceable, buhay na buhay ang audience at kadalasan ay nahahawa sila sa electrifying energy ni Vina kaya’t nakikisayaw right there sa upuan nila! At take note, hindi basta-bastang napapagod si Vina maski anong galaw niya sa stage. Credit this to her regular gym workout!

Natural ang vocal prowess ni Vina. Sa current generation ng mga concert artist, bukod tanging siya lang ang hindi nagpa-falsetto.

Sabi ni Martin Nievera, isang underrated performer si Vina. Hindi kasi siya tulad ng ibang ipinagyayabang at ipinag-iingay sa media ang mga achievement.

Catch Vina at Araneta Coliseum on August 18, Friday 8PM sa Showgirl. – DA

ARANETA COLISEUM CATCH VINA DAHIL MARTIN NIEVERA MASKI PABORITO TOTAL PERFORMER VINA VINA MORALES
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with