^

PSN Showbiz

Rufa Mae, ayaw nang pag-usapan si Hatfield

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Bakit ba big deal kung boyfriend ni Rufa Mae Quinto si Erik Santos? May masama ba? Si Rufa Mae na nga ang nagsasabi na sila na nga, ini-insist pa rin ng iba na hindi puwedeng maging sila dahil sa gay issue kay Erik.

Remember, ang dami naman nating kilalang may issue na ganyan pero nagpapakasal naman at nagkakaanak.

"Ewan ko ba kung bakit ayaw nilang maniwala. Hindi naman ako papasok sa isang relasyong wala akong feelings," sabi ni Rufa Mae sa presscon ng Oh My Ghost opposite Marvin Agustin under OctoArts Films. Minsan nga raw ayaw na niyang sumagot sa issue dahil paulit-ulit na lang. Say pa nga ni Rufa Mae na ngayon lang siya naging happy ever sa kanyang lovelife.

At kung tungkol naman sa ex-niyang si Rudy Hatfield ang topic, as much as possible, ayaw na sanang magsalita ng sexy actress. Almost a year na raw after they broke up kung saan iniwan siya nito sa Philippines at nag-work sa Amerika as fireman si Rudy. Pero bigla kasing na-proved na Filipino citizen ang cager kaya ayun balik-PBA ito ngayon na hindi maiwasang pag-usapan pag si Rufa Mae ang kausap.

"Ayaw ko na sanang magsalita, pero parati na lang itinatanong," she said.

Anyway, ibinuking ni Tita Aster Amoyo na nag-effort pala dati si Marvin na ma-please ang leading lady niya sa Oh My Ghost. Pero walang nangyari dahil nagbakasyon si Marvin sa Amerika at pumasok na sa eksena si Erik Santos.

Kung natakot daw tayo sa pelikulang Sukob, sa Oh My Ghost daw matatakot ka na, matutuwa ka pa. Showing na ito sa August 16.
* * *
Grabeng strict daw ngayon ng GMA News and Current Affairs head na si Ms. Marissa Flores. As in naka-monitor daw lahat ngayon ang ginagawa ng mga anchors ng GMA 7.

Ayon sa source, tinatapatan nito ang ginagawang paghihigpit ni Maria Ressa sa ABS-CBN News Department.

Dumidikit na raw kasi sa rating ang mga news program ng ABS-CBN sa mga news program ng GMA kaya doble ang higpit at tutok ng GMA sa kanilang mga programa. Simpleng mali lang daw ngayon, kinakausap na agad ang mga anchors. May sample na kwento ang isa kong friend, pero ayaw niyang mag-elaborate.

Anyway, bukod sa news program, dikit na rin daw ang rating ng Bituing Walang Ningning ni Sarah Geronimo sa Majika ni Angel Locsin. Iilang puntos na lang ang lamang ng Majika at mas malakas na raw ang BWN sa probinsiya.

Umaakyat na kasi sa 30 something ang rating ng Bituing Walang Ningning na nasa highlight na ng mga episodes.

Isa pang nakikipag-habulan sa rating ay ang My Girl. In fairness, kahit ako ay nanonood ng programa. May kilig factor talaga.

Pero parang mas magandang panoorin pag may Tagalog dubbing kahit napanood ko na ng buo ang DVD ng My Girl.

Anyway, in a nutshell, habulan na raw ang mga rating kaya extra careful ang GMA 7 ngayon.
* * *
Speaking of Bituing Walang Ningning, in fairness, ang galing na actor pala ni Ryan Agoncillo. Bagay sa kanya ang character ni Niko na nai-in love sa character ni Dorina (Sarah Geronimo).

Bagay sa kanya ang character. Actually, bagay sila ni Sarah. Pero siyempre, hindi puwede dahil andiyan si Judy Ann Santos.

Anyway, compliment naman kaya sa part ni Angelika dela Cruz ang comment ng mga bading na everytime na napapanood niya si Angelika sa BWN, si Jessa Zaragosa ang naalala niya. "Bakit napunta si Jessa sa BWN?" tanong ng vaklah na walang choice kundi panoorin ang BWN dahil lahat ng staff niya sa office, pinapanood ito.

Tingnan ko nga kung nagiging kamukha na ni Angelika si Jessa.
* * *
Napanood ko sa Showbiz Stripped sina Iwa Motto and Jackie Rice na parehong winner ng SS3. Parehong umiiyak ang dalawa at nanghihingi ng tawad sa mga ginawa nilang kagagahan.

Kaya lang ano bang mga artistang ito? Parang acting na acting sila habang ini-interview ni Tito Ricky Lo. Lalo na si Iwa. Alam mong kailangan lang nilang umiyak or else, wala na silang career. Walang sincerity.

Saka ba’t ganoon, parang hindi na siya bagets. Sa hitsura ni Iwa, parang expert na siya sa buhay.

Looks like pumasok agad sa ulo nila na sikat sila samantalang kailan lang sila sa showbiz.

Dapat pa ba silang bigyan ng second chance ng GMA? Bakit kaya hindi sila ma-kontrol sa simula pa lang?

Hay naku ang artista ngayon, wala pa mang napo-prove feeling sikat na.

Actually, tama ang observation ng isang actress na bakit ngayon, ang mga artista puwede na lang lahat. ‘Yung iba matitisod mo na lang sa mall.

Anyway, sana nga seryosohin ng mga artistang ito ang showbiz para naman magtagal sila at ma-feel nila na star sila bago mag-inarte.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]

vuukle comment

ANGELIKA

BAKIT

BITUING WALANG NINGNING

LANG

OH MY GHOST

PERO

RUFA MAE

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with