^

PSN Showbiz

May negosasyon na sa pagitan nina Rica at GMA 7?

-
Tinanong kami ng staff ng GMA-7 kung may kontrata pa si Rica Peralejo sa ABS-CBN after ng teleseryeng Sa Piling Mo at say namin na wala kaming alam.

"E, kasi nakita ko siya sa 7th floor last Thursday,kausap si Ma’am Wilma (Galvante)," kuwento sa amin ng aming kausap na taga-Siete.

"Di kaya nagpaalam si Rica na gusto niyang mag-audition for Bakekang since wala pa namang napipili?" balik tanong namin sa aming kausap.

"Malamang, o baka nagpasabi na siyang wala na siyang kontrata sa Dos kasi matatapos na ang soap drama nila? Kasi noon pa, gusto na niyang lumipat dito sa amin, hindi lang siya nakapasa sa audition for Darna, gustung-gusto niya ‘yun," katwiran pa sa amin.

Sinubukan naman naming magtanong sa taga-Dos at ang sagot sa amin ay, "Sa pagkakaalam ko, hindi exclusive ang kontrata ni Rica sa amin, per program siya, like sa ASAP at SPM. Hindi ko lang alam kung allowed siyang mapanood sa GMA-7."
* * *
Inamin ni Vina Morales sa amin na hindi boto ang family niya sa plano niyang pasukin ang pulitika dahil wala nga naman siyang alam, bukod pa sa mas magulo ito kesa sa showbiz.

Katwiran ng singer/actress ay, "Hindi naman ako basta na lang papasok ng walang alam, mag-aaral muna ako before ako papasok, ako rin naman, hindi pa ready now, kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, alam kong mag-serve sa bayan, pero siyempre may mga bagay akong hindi alam, at alam kong maku-kuwestiyon ako d’yan, so before ko gawin yun, I have to go back to school first.

So, definitely, hindi pa next year ang target date ni Vina na kumandidato sa mababang posisyon at plano niya ay sa Quezon City dahil dito naman siya talaga nakatira simula nung nag-artista siya.

Anyway, kabado si Vina sa nalalapit niyang major concert na Showgirl sa August 18 sa Araneta Coliseum dahil sa takbo ng panahon, baka raw bumagyo at tamaring lumabas ang tao.

"Sana, maganda ang weather that night, sana manood sila, kasi I promise them na it will be a good and different show," kuwento ni Vina.

Ang Showgirl ay produced ng Live Artists Production, Inc for tickets reservation please call 920-2643/926-0566 or JLD Management 818-9393/721-2292. — REGGEE BONOAN

vuukle comment

ALAM

ARANETA COLISEUM

LIVE ARTISTS PRODUCTION

QUEZON CITY

RICA

RICA PERALEJO

SA PILING MO

VINA MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with