^

PSN Showbiz

Drizzle, kontribusyon ng Cagayan de Oro sa band scene!

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Ang mother pala ng dating beauty queen at still active actress na si Liza Lorena ay half of an identical twins. Dalawang taon nang yumao ang mama ni Liza, pero buhay at malakas pa ang kanyang tiyahin.

Kapag kasama niya sa mga lakaran ang kanyang tita, para na ring buhay na buhay pa ang kanyang ina. Kahit sa mga shooting at gimikan, join parati ang tita ni Liza.

Kahit papano, nababawasan ang lungkot ng aktres. Lalo pa’t magkasunod na namatay recently ang dalawang pinsan ni Liza na very close sa kanya.

"Kailangang magpapabalik-balik ako sa Magalang, Pampanga to be at their wake," kwento ni Liza. "Malapit kami sa isa’t isa ng mga cousins ko, kaya’t dinamdam ko talaga ang kanilang pagkamatay."

Nabanggit tuloy ni Liza na sana’y naging maingat at mapangalaga siya sa kanyang kalusugan noong bata pa siya para magtagal pa ang kanyang buhay.

Sabi pa ni Liza, hindi tiyak kung huling araw na natin ito sa daigdig at kung kailan tayo tatawagin sa roll call. Kapag ganito ang huntahan, pumapasok palagi ang ating paniwala sa Diyos at ang paggawa ng kabutihan sa kapwa.

Kahit patuloy na indemand si Liza among our veteran actresses, palagi pa rin siyang nagdarasal at nagpapasalamat sa Maykapal sa patuloy na blessings na binibigay sa kanya.

"Masasabing tapat ang ating pasasalamat sa Kanya, kung patuloy ang paggawa natin ng kabutihan sa ating kapwa-tao," sabi ni Liza.
* * *
Nagmula sa makasaysayan at matulaing probinsiya ng Cagayan de Oro ang lahat ng miyembro ng bandang Drizzle. Bawat isa sa kanila, galing sa mga duet o banda.

Simula nang mabuo ang Drizzle, tumugtog na sila sa mga pinakasikat na venues sa kanilang probinsya. Sila ang naging favorite front act tuwing magkakaroon ng concert sa Cagayan de Oro ang Bamboo, Rivermaya at si Paolo Santos.

Noong nagkatagpo sina Maya Reyes (lead vocalist) at Wilbert (lead guitarist), naging pop-rock ang foundation ng kanilang bubuing banda. Kasama pa sina Vivi Viduya (vocals) at Bong Flores (drums) isinilang na ang Drizzle. Ang vocal duet nina Maya at Vivi ay naring na sa bar circuit at dumami na ang kanilang mga tagahanga.

Pakinggan ninyo ang mga kantang "Silly Games," "Apoy Na Walang Hanggan," "Number 3," "These Days," "Song For Jade," "Foolish Love," at "That’s What Love Is For."

vuukle comment

APOY NA WALANG HANGGAN

BONG FLORES

FOOLISH LOVE

KAHIT

KAPAG

LIZA

LIZA LORENA

MAYA REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with