^

PSN Showbiz

Pelikula ng mag-aamang Lapid

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nainterbyu namin sa phone si Madame Violet tungkol sa pagkakapili ng kanyang entry na Tatlong Baraha at nahingan naming siya ng reaksyon tungkol dito.

"Napakasaya ko ngayon dahil may entry na kami unlike noon na hindi napili ang Magnifico gayong humakot ito ng 37 awards sa international filmfestival. Maipagmamalaki ko naman ang Tatlong Baraha dahil pambata ito, may komedi, aksyon at adventure, tinampukan nina Sen. Lito Lapid, Gov. Mark Lapid, Meynard Lapid, Sarah Geronimo, Cindy Kurleto at Iza Calzado. Naniniwala din ako ngayon na walang halong pulitika ang MMFF. Naghahanda na kami sa aming promo dahil excited na kaming lahat," anang prodyuser.
Superstar Na Si Cherry Pie
Naging malaking tagumpay ang Manay Po kaya nagbigay ng Thanksgiving Party si Mother Lily. Tinawag niyang superstar si Cherry Pie Picache dahil ito ang nagdala ng buong pelikula kahit magagaling sina Polo Ravales, Jiro Manio at John Prats. Magaling din si Luis Alandy bilang lover ni Polo. Kaya lang sa said movie mas pinaboran ang lalaki kaysa sa babae kung saan may kasalang naganap sa pagitan nila. Mas pinili ni Polo ang pagmamahal ni Luis (kung saan nagpakasal pa sila) kaysa kay Glaiza de Castro na gf niya sa movie. Tanggap na ang gay movie sa ating lipunan.
Sis Dambuhalang Parlor
Alamin ang latest styles at technology sa pagpapaganda sa Sis bukas! Alamin ang mga beauty secrets ng artist at practical tips para lalong magmukhang maganda.

Makisilip din sa pagrampa ng mga modelong magbabandera ng mga pinakabago at pinakanaiibang make-up at hairstyles ngayon. Abangan ang pagbisita ng mga paputi at papagandang finalist ng Block & White Pinay Cinderella.

Guest sina Precious Lara Quigaman, Yasmien Kurdi, Christine Reyes, Tanya Garcia at Ricky Reyes.
Blind Item: Sikat Na Actress Gustong Tikman Ang Aktor
Nagkasama ang sikat na sexy actress at gwapong aktor sa isang reality show. Na-develop ang aktres sa kasamahang aktor kung saan balitang sunod siya nang sunod dito dahil gusto niyang matikman ang aktor.

Pero dedma yata ang gwapong aktor, hindi siya type nito kahit maganda naman siya at super lusog ng boobs.

vuukle comment

ALAMIN

BLIND ITEM

CHERRY PIE PICACHE

CHRISTINE REYES

CINDY KURLETO

IZA CALZADO

JIRO MANIO

JOHN PRATS

TATLONG BARAHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with