^

PSN Showbiz

Jennylyn, nag-iimbita sa birthday!

- Veronica R. Samio -
Walang pagkakataong magpahinga si Jennylyn Mercado kahit kararating lamang niya mula sa isang buwang pagti-taping ng bagong serye ng GMA7 na I Luv NY na kinunan pa sa US. Pagkarating na pagkarating niya ay sabak agad siya sa trabaho para paghandaan ang nalalapit niyang first major birthday concert na magaganap sa May 15, 3NH sa Music Museum. Makakasama niya sina Janno Gibbs, Mark Herras, Aiza Seguerra at ang bandang Hale.

Kahit na siya ang celebrator, naghahanda si Jennylyn ng mga regalo at giveaways para sa kanyang mga fans, friends at mga lucky patrons.

Kung like n’yong mag-watch, buy kayo ng tickets sa Music Museum, National Bookstores, Robinson’s Galleria at Starmall Edsa.
* * *
May bagong konsepto ang pakontes ng Mossimo na nasa kanyang ika-5th year na. Bukod sa paligsahan ito ng mga babae at lalaking may magandang pangangatawan at magpaparada ng naka-two piece swimsuit (bikini) sa stage, makikita pa rin sa lugar na pagdarausan ng paligsahan, sa NBC Tent, ang mga hottest sports cars and bikes. Ang pakontes sa taong ito ay gagawin para rin sa mga health buffs, sports freaks at mga fashionistas.

Mga 19 kandidato ang maglalaban-laban sa Mayo 24, may edad 18-25 at may magagandang pangangatawan at di pangkaraniwang talino.

Ang paligsahan na may pamagat na Mossimo Bikini Grand Prix 2006 ay pinagmulan ng mga sikat na ngayong sina Brent Javier, Carlo Maceda at Denise Montecillo.

Ang mga kandidato sa taong ito ay sina:
Larah Monterola, Luisa Mendiola, Nina Saputil, Maria Cristina Quiazon, Michelle Padua, Katrina Domingo, Lotus Van Heddegem, Richel Halili, Tanya Cruz, Joyce So, Geoffrey Taylor, Gabriel Garcia, Joseph Reyes, Jayson Fulgencio, Marc Anthony Jacob Patiag, Felix Buenaobra, Marvin Sia, Herman Weber, Paul Gomez at Florencio Campoamanes.

Ang
Mossimo Bikini Grand Prix ay isang Real Talent at RTI Music presentation.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

BRENT JAVIER

CARLO MACEDA

DENISE MONTECILLO

FELIX BUENAOBRA

FLORENCIO CAMPOAMANES

MOSSIMO BIKINI GRAND PRIX

MUSIC MUSEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with