^

PSN Showbiz

Young actor, kabit ng alahero?

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
May nakapagbulong sa amin tungkol sa isang gwapo at morenong aktor na ngayon ay dumidikit sa isang mayamang alahero. Dito siya ngayon nali-link at naiintrigang may relasyon daw ang dalawa kaya nasusunod ang mataas na lifestyle ng morenong aktor. Isa pa, balak daw magprodyus ng pelikula ang bading na alahero at siyempre ang sexy aktor ang bida.

Pero ipinagtatanggol naman ng manager ang alagang aktor at sinabing walang katotohanan ang intriga dahil kaya nakakapamuhay sa luho ang aktor ay dahil sa katas ng kanyang car business.
John, Sumabak Agad Sa Trabaho
Pagkatapos lumabas sa Bahay ni Kuya bilang second placer sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition ay sumabak agad sa trabaho si John Prats.

Dahil abala sa syuting ng Manay Po ay hindi na sila nakapag-usap ni Nancy Castiglione na alam naman ng lahat na nililigawan niya.

At ano naman ang ginawa niya sa napanalunang pera sa PBBCE?

"Idiniposet ko muna sa bangko ang kalahating milyon dahil wala pa naman akong pagkakagastusan," aniya.

Sa Manay Po ay isa ito sa tatlong gay na anak ni Cherry Pie Picache na open ang pagiging bading nito.
JR, Balik-Telebisyon
Balik-telebisyon si Juan Rodrigo via Love to Love Season 10 kung saan siya ang gumaganap na ama ni Mark Herras sa episode na My Darling Mermaid na tinatampukan din ni Pauleen Luna.

Nakalinya pa rin ang isang teleserye at mga shows tampok ang pagbabalik-showbiz ng Tiongco Brothers kung saan front act sila ni Marri Nallos. Hindi naman nawawala sa limelight si JR dahil bukod sa pagiging actor ay in-demand ito sa mga shows here and abroad. Malaki ngayon ang nabawas sa kanyang timbang kaya nagmukha itong bata.
Lalong Tumaas Ang Boses
Karapat-dapat lang na tawaging original "Crystal Voice of Asia" si Marri Nallos dahil sa galing nitong umawit. Sabi nga ng daddy nito na nagbalik-bayan from London ay lalo siyang pinahanga ng anak nito dahil lalo pang tumaas ang boses kaya umani ng palakpakan sa show ng Tiongco Brothers sa Frontpage noong Biyernes.
Chuck, Sali Sa Now And Forever 5
Dinamdam din ni Chuck Allie ang di pagkapanalo bilang Ultimate Survivor ng StarStruck 3. Pero later, na-realize niya na kailangan niyang patunayan na may ibubuga siya sa pag-arte para makagawa rin ng pangalan balang araw.

Nagbunga naman ito dahil kasama siya sa Now and Forever 5 na Duyan kung saan gagampanan nito ang papel ng isang anak-mayaman at balikbayang kapatid ni Loren o Glydel Mercado.

Magsisimula ang Now and Forever presents Duyan ngayong hapon sa Dramarama ng GMA 7.

vuukle comment

CENTER

CHERRY PIE PICACHE

CHUCK ALLIE

DAHIL

MANAY PO

MARRI NALLOS

NOW AND FOREVER

TIONGCO BROTHERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with