^

PSN Showbiz

Sino’ng Ella ang mas magaling?

- Veronica R. Samio -
Ang kwento ng Duyan ay tungkol sa matalik na magkaibigang sina Cindy (Ella Guevara) at Ella (Ella Cruz) na parang magkapatid kung ituring ang isa’t isa kahit magkaiba ang estado nila sa buhay.

Anak si Cindy ni Loren (Glydel Mercado) at Mateo (Ariel Rivera) ang pinaka-mayamang mag-asawa sa kanilang bayan samantalang si Ella ang anak ni Adea (Dawn Zulueta), katulong sa bahay nina Cindy.

Tahimik sana ang buhay ng mag-inang Adea at Ella kasama si Rowena (Jana Roxas), batang kapatid ni Adea, pero biglang nagulo sa pagdating ng pamilya ni Loren mula sa ibang bansa, kasama ang kapatid ni Loren na si Francis (Chuck Allie).

Bagaman at kilala na ng mga manonood sa TV si Ella Guevara, na isang best child actress awardee, first time nilang mai-encounter si Ella Cruz, 9 na taong gulang na gumaganap ng batang Sabina sa seryeng Majika. At dahil magaling ang makakasama niyang kabataan din kung kaya kailangang magbigay ni Ella Cruz ng isang mahusay na performance para siya di matauban ni Ella Guevara.

Kasama rin sa serye si Emilio Garcia na kontrabidang kontrabida ang role–sabungero, sugarol at nambubugbog ng asawa.

"Pero, role lang ito ha, sa tunay na buhay ay di ako nananakit ng asawa," pagtatanggol ni Emilio na maraming pelikula ang ginagawa sa panahong ito ng taghirap sa industriya ng pelikula na halos libre na niyang ibinibigay ang kanyang serbisyo para lamang makabangon ang industriya.

vuukle comment

ADEA

ARIEL RIVERA

CHUCK ALLIE

CINDY

DAWN ZULUETA

ELLA

ELLA CRUZ

ELLA GUEVARA

EMILIO GARCIA

GLYDEL MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with