Tom Jones, may bagong album
April 4, 2006 | 12:00am
Ang kilalang international performer na si Tom Jones ay naglabas ng kanyang pinakabagong contemporary dance album na siguradong muling magdadala sa kanya sa rurok ng tagumpay sa international music scene.
Ang kanyang bagong album ay may title na "Do Ya Think Im Sexy" na ni-release dito sa Pilipinas ng Alpha Music. Ito ay naglalaman ng 12 excellently-produced remix versions ng mga awitin na naging sikat noon. Ang mga naturang awitin na kasama ay "Shes A Lady," "With Queen of New Orleans," "For Once In My Life," "Listen To The Music," "Youve Got A Friend," "Spanish Harlem," "I Love A Rainy Night," "Im So Tired of Being Alone," "My Way," "Kiss An Angel Good Morning," at ang carrier single na "Do Ya Think Im Sexy."
Binigyan ni Tom Jones ng bagong dance spin na babagay sa kasalukuyang MTV generation ang mga awiting kasama sa nasabing album. Ang mga listeners ay magkakaroon ng ultimate dance party feel matapos mapakinggan ang nasabing album.
Si Tom Jones ay isa sa mga most incredible and sexiest male voices sa show business, comparable to the likes of Frank Sinatra at Elvis Presley. Pinanganak bilang Thomas Jones Woodward sa Pontypridd, South Wales noong 1940, si Tom ay nagsimula bilang isang miyembro ng church choir. Siya rin ay naging isang door to door vacuum salesman sa umaga at isang singer sa gabi kung saan ay nahasa ang kanyang kagalingan sa pag-awit. Dahil na rin sa kanyang kagalingan kaya siya nakita at nagustuhan ni Gordon Mills, isang kilalang manager noon.
Sunud-sunod ang kanyang naging suwerte at lahat halos ng kanyang mga awitin ay naging hit. "Help Yourself", "Its Not Unusual," "Never Fall in Love Again," "Shes A Lady", "Delihah" at "Green Green Grass of Home" ay ilan lang sa kanyang magagandang awitin na naging tanyag. Ngunit nagkaroon siya ng problema noong early 1980s nang siya ay iwan ng kanyang label. Ngunit dahil na rin sa taglay niyang talento, siya ay muling sinuwerte noong 1988 nang kanyang inawit at naging hit ang awiting "Kiss" na unang pinasikat ni Prince. Ito ang nagbukas sa kanya para muling makabalik sa music scene. DEARLY GANADEN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended




















