^

PSN Showbiz

Kris, 12 vitamins ang iniinom everyday

RATED A - Aster Amoyo -
Sa simula pa lamang ng tambalang Rainier Castillo at Yasmien Kurdi ay alam na ng marami na si Sheena Halili ang special girl ni Rainier pero, unti-unting nawawala si Sheena sa eksena dahil natatakpan ito sa pagiging extra close and sweet ni Rainier kay Yasmien. Pero walang inaamin si Rainier na wala na sila ni Sheena dahil sila na ni Yasmien. Ngayong magkasama sina Rainier at Sheena sa bagong telefantasya ng GMA-7, ang Majika na magsisimula ngayong gabi, dito ngayon makikita kung sino talaga kina Sheena at Yasmien ang mas matimbang sa puso ng young actor.
* * *
Baby girl ang nakatakdang isilang ng Broadway star na si Lea Salonga sa darating na Mayo at ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na niya ang kanyang nalalapit na panganganak. Unang supling nila ito ng kanyang mister na si Robert Chien.

Pagka-panganak, gusto muna ni Lea na harapin at namnamin ang kanyang pagiging brand new mom bago niya balikan ang kanyang singing career.
* * *
Ang ika-16 na taon ng National Open Championship for Hair and Makeup Competition ng Hair Asia na pinamumunuan ng pangulo at CEO na si Evelyn Alvaran-Cruz ay gaganapin sa World Trade Center ngayong Martes. Ang nasabing prestihiyosong kumpetisyon na lalahukan ng mga top hairstylists ng bansa para sa apat na magkakaibang kategorya.
* * *
Ayaw pumayag ni Kris Aquino sa taguring siya ngayon ang pinakabagong "Commercial Queen" dahil hawak pa rin umano ito ng megastar na si Sharon Cuneta na matagal nang gumagawa ng TV commercials.

Nakaka-labingpito na si Kris ng product endorsements (print and TV) at may dalawa pa siyang pending. Kamakailan lamang ay ni-launch ang kanyang Pantene Age Defying Shampoo commercial na sa Bangkok pa nag-shoot with Thai directors and production staff.

Samantala, ayaw din ni Kris magbigay ng detalye na may kinalaman sa plano nilang pagpapakasal ng kanyang live-in partner na si James Yap. Ang sinabi lamang niya ay mangyayari umano ito sa buwan ng Disyembre o di kaya sa buwan ng Enero pero walang specific date at simbahan.

Mukhang masaya at contented si Kris ngayon sa kanyang lovelife. Hindi lamang maganda ang kanyang aura kundi lalo itong nagmumukhang bata. Isa umano sa kanyang mga beauty secrets ay ang pag-take ng 12 supplementary vitamins araw-araw.
* * *
Personal: Ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilyang iniwan ni Gng. Dolores Roque-Reyes (95) na sumakabilang buhay nung hapon ng Marso 14 sa New Jersey, USA. Kanyang iniwan ang mga anak na sina Chit, Fely, Cora, Sonny at Ernie ganundin ang kanyang mga manugang at mga apo.

vuukle comment

CENTER

COMMERCIAL QUEEN

DOLORES ROQUE-REYES

EVELYN ALVARAN-CRUZ

HAIR AND MAKEUP COMPETITION

KANYANG

SHEENA

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with