^

PSN Showbiz

7 taon magnobyo, 2 taong mag-asawa, naghiwalay din!

RATED A - Aster Amoyo -
Mahigit dalawang taon na palang hiwalay si Candy Pangilinan sa kanyang asawang si Gilbert Alvarado.  Ayon sa comedienne, isang buwan pa lamang ang kanyang anak na si Quintin nang iwan silang mag-ina ni Gilbert at magmula noon ay wala na umano silang komunikasyon. Ni hindi nga raw nagbibigay ng financial support si Gilbert sa kanilang anak na patuloy na sumasailalim sa hyperactive therapy.  Minsang nag-text si Candy sa kanyang dating mister para ipaalam dito ang tungkol sa therapy session ni Quintin pero hindi umano ito sumagot. Kaya si Candy na lamang ang nagsisikap para maitaguyod niyang mag-isa ang kanyang anak.

Si Gilbert ay pitong taong naging kasintahan ni Candy bago sila nagpakasal.  Dalawang taon lamang ang itinagal ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Hindi ikinakaila ni Candy na talagang naapektuhan siya ng husto sa pag-iwan sa kanilang mag-ina ng kanyang dating mister.  Sumailalim pa umano siya sa psychiatric treatment at spiritual counseling para tuluyan niyang ma-overcome ang depression. Pero ang lahat naman ng bagay ay pinaghihilom ng panahon.  Naka-recover na si Candy.

Sa darating na Pebrero 15, sa ganap na ika-8 ng gabi ay isang kakaibang stand-up act ang matutunghayan sa Music Museum sa pamamagitan ng Candy’s Be Love kung saan magiging ispesyal na panauhin niya sina Piolo Pascual, Troy Montero at ang baguhang si William Devaughn kasama ang Las Piñas Boys Choir at CCP Pep Squad.         

Dahil sarado na ang kanyang Comfort Room bar at iba pang itinayong negosyo, nagbukas naman si Candy ng isang event company sa tulong ng kanyang mga kasamahan sa teatro. Ito ay ang Open House, Inc.

Bukod sa TV guestings, may tinapos ding pelikula si Candy sa Star Cinema, ang I Love You, Lucky na pinagbibidahan ng magkasintahang Sandara Park at Joseph Bitangcol.
* * *
Dahil sa sobrang kasikatan ngayon ng boxing hero na si Manny Pacquiao, lumantad na ang isang babaeng nagngangalang Joanna na nagki-claim na nagkaroon sila ng ugnayan ni Manny at meron silang isang anak na nagngangalang Manuel. 

Ang ipinagtataka ng marami ay kung bakit ngayon lamang umano lumantad si Joanna?

Sa paglantad ni Joanna, tiyak na mas lalong magiging colorful ang paglalahad ng buhay ni Manny sa pelikulang isasapelikula ng FLT Films at Star Cinema. 
* * *
[email protected]

vuukle comment

BE LOVE

BOYS CHOIR

CANDY

CANDY PANGILINAN

COMFORT ROOM

DAHIL

JOANNA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with