^

PSN Showbiz

Jomari, imbitado ni Pops sa b-day ni Dulce

RATED A - Aster Amoyo -
Wala mang tahasang pag-amin na nagmumula kina Jericho Rosales at Heart Evangelista, mukhang sila na ngang dalawa ngayon.  Ang extra closeness ng dalawa ay nagsimula sa set ng kanilang TV series na Panday.  Kung si Kristine Hermosa ay masaya ngayon sa piling ni Diether Ocampo, ganundin naman ngayon sina Jericho at Heart.  There was a time na naging sina Kristine at Jericho.  Nang mag-break naman sina Kristine at Jericho ay saka pumasok si Cindy Kurleto sa eksena.  Ngayong wala na rin  sina Jericho at Cindy, nabaling naman kay Heart ang attention ni Echo.

Speaking of Heart, nasa pangangalaga na ito ngayon ng Manila Genesis na pinamumunuan ni Angeli Pangilinan-Valenciano. Would this mean kaya na tapos na ang management contract ni Heart sa ABS-CBN’s Star Magic?  Sa paglipat ni Heart sa Manila Genesis, nangangahulugan kaya na malaya na rin ito sa kanyang commitment sa Dos pagkatapos ng Panday?

Samantala, hindi na si Heart ang makakatambal ni Jericho sa pagsasapelikula ng FLT Films ng buhay ng boxing hero na si Manny Pacquiao.  Sa halip, si Bea Alonzo ang makakatambal ni Jericho sa true story ng dating panadero na gumawa ng pangalan sa pagiging boksingero.

Ang award-winning director na si Joel Lamangan ang magdidirek ng pelikula mula sa script ni Roy Iglesias.

Kung excited si Jericho sa papel na kanyang gagampanan, ganundin naman si Bea lalo pa’t totoong tao ang kanilang gagampanan, bilang misis ni Manny Pacquiao na si Jinky. Ito rin ang unang pagkakataon na magkakatambal sina Jericho at Bea sa pelikula.
* * *
Pinatunayan ni Pops Fernandez na wala silang alitan ng kanyang inang si Dulce Lukban nang magdiwang ng kanyang ika-60 taong kaarawan ang huli.

Binigyan ni Pops ng isang intimate surprise party ang kanyang mommy nung Peb. 4 na ginanap sa Architectural Center Club sa Rockwell na dinaluhan ng malalapit na kaibigan at kaanak ni Dulce. Naroon din siyempre ang iba pang anak ni Dulce na sina Edwin, Joey at Jocelyn at ang kanyang tatlong apo na sina Robin, Ram at Erika. 

Bukod kay Pops, tanging sina Jeffrey Hidalgo (na kumanta), Liezl Sumilang-Martinez at si Jomari Yllana lamang ang mga taga-showbiz na naroon.  Ang karamihan ng mga dumalo ay non-showbiz.

Mangiyak-ngiyak si Dulce sa kanyang party dahil hindi niya inaasahan ang sorpresang party na inihanda para sa kanya ni Pops.  Sinabi nito na nagtatampo na sana siya sa kanyang mga anak dahil wala umano siyang mahagilap sa mga ito nung araw ng Sabado at may kani-kanyang lakad.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Dulce ang kanyang panganay na si Pops.  Sinabi nito na paminsan-minsan ay nagkakaroon umano sila ng tampuhang mag-ina pero agad naman itong naaayos.

Nag-duet ang mag-inang Pops at Ram habang si Robin naman ang tumugtog sa gitara.  Nakakatuwang tingnan ang mag-iina dahil para lamang silang magkakapatid.

Bago nagtapos ang party ay dumating sa nasabing okasyon si Jomari Yllana, isang indikasyon na mukhang may ispesyal na namamagitan ngayon sa ex-wife ni Martin Nievera at  nakababatang kapatid ni Anjo Yllana.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ANGELI PANGILINAN-VALENCIANO

ANJO YLLANA

JERICHO

JOMARI YLLANA

KANYANG

MANILA GENESIS

SINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with