^

PSN Showbiz

Matakaw ang mga Sang‘gre ng Etheria!

- Veronica R. Samio -
Isa sa common denominator ng apat na Sang-gre na ngayon ay nahaharap sa isang mapanganib na misyon sa kaharian ng Etheria ay ang pagkahilig nilang apat sa pagkain.

Huwag mong sasabihing isang vegetarian si Iza Calzado (Amihan) at hindi ito balakid para hindi siya magbaon ng mapagsasaluhan nilang "magkakapatid" na sina Karylle (Alena), Sunshine Dizon (Pirena) at Diana Zubiri (Danaya). Saan man kunan ang taping nila, wala silang reklamo basta busog sila. Nang dumayo sila ng taping sa Bulacan ay nag-enjoy sila sa pagkain ng pastillas at ube. Sa Tagaytay, papunta pa lamang sila ay iniisip na nila ang kakainin nilang sinigang.

Bagaman at magkakapatid ang mga roles nila, sina Alena at Danaya lamang ang tunay na magkapatid. Magkaiba ang ama nina Pirena at Amihan, si Raquim (Richard Gomez sa Encantadia at Dennis Trillo sa Etheria) ang ama ni Amihan at si Hagorn (Pen Medina sa Encantadia at Ping Medina sa Etheria) ang ama ni Pirena.

Hindi ikinakaila ng apat na worried sila sa ratings ng Etheria, pero confident sila na muling babalik ang programa sa mataas nitong ratings ngayong bumalik na sa bakasyon ang mga manonood nila. Panay ang miting ng apat, if only to remind each other na di nila afford magpa-bandying-bandying.

Excited sila dahil sa costume pa lamang nila sa Etheria ay mayro’n nang malaking pagbabago. Kung dati ay halos natatakpan ng kanilang mga suot ang mga katawan nila, ngayon they will be showing a little more flesh, nakikipaglaban man sila o hindi!

At lumaki na silang muli. Sa susunod na mga araw ay makikidigma na sila sa mga Etherian na pinamumunuan ng kanilang ina (Nadine Samonte) na ayaw pang maniwalang mga anak niya silang apat.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ALENA

AMIHAN

DANAYA

DENNIS TRILLO

DIANA ZUBIRI

ENCANTADIA

ETHERIA

PIRENA

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with