^

PSN Showbiz

Actor, natikman ang beauty queen

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Ayaw na munang pag-usapan ng aktor ang tungkol sa kanilang dalawa ng international beauty queen na dumayo sa bansa kamakailan. ‘‘Baka kasi ma-jeopardize ang kanyang titulo kapag nalamang may boyfriend na siya,’’ sabi ng aktor.

Idinagdag pa rin ng aktor na may nangyari na sa kanilang dalawa kung saan pinasusunod na siya ng beauty queen sa bansa nila.

Visible pa rin ngayon ang mestisong sexy actor na nagbida na rin sa pelikula.
Swerte Ang Taong 2005
Maswerte ang taong 2005 kay Sunshine Dizon dahil matapos itong tumanggap ng award for Best Actress para sa Encantadia sa ENPRESS ay nanalo naman ito para sa Gawad Amerika na tinanggap niya sa Los Angeles California para sa Encantadia din noong Kapaskuhan.

Ngayong araw na ito ay tatanggap siya ng Tigbawan Award sa Iloilo bilang adopted daughter ng nasabing lalawigan. Ang magkakaloob ng award ay ang mayor at gobernador ng Iloilo.

Pero, sinabi ni Sunshine na mas enjoy siya ngayon sa Etheria dahil nakasama niya uli ang mga kapatid niyang sina Amihan (Iza Calzado) Alena (Karylle) at Danaya (Diana Zubiri).

‘‘May bonding na kaming apat at ipinakikita rin namin ang concern sa aming telefantasya at kapag bumababa ang rating ay nagmi-meeting kaming apat. Mataas ang expectation namin sa programa," sey nito.

Kahit loveless, masaya ngayon ang magaling na aktress dahil maganda ang takbo ng kanyang career kung saan bukod sa telefantasya ay mayroon itong Agos at Bahay Mo Ba To kaya halos Sunday na lang ang kanyang pahinga.

Samantala, maghaharap na sina Pirena, Amihan, Alena, Danaya at ng kanilang inang si Minea na ginampanan ni Nadine Samonte. Dahil sa paglaban ng apat na Sang’gre sa mga kawal ng Etheria, nilabanan sila ni Minea. Paano sasaktan ng apat na Sang’gre ang kanilang ina? Ito ang matutunghayan sa linggong ito sa Etheria.
Trabaho Ang Naging Therapy Ni Jennifer
Nararamdaman namin kung gaano kasakit na mawalan ng ina o ama na laging kasa-kasama natin. Labis na ikinalulungkot ni Jennifer Sevilla na kasama ngayon sa Tinig ng Now and Forever 4 ang pagkamatay ng kanyang ina ilang buwan na ang nakararaan. Namatay na rin ang kanyang daddy. Nag-iisang anak ito na very close sa kanyang magulang.

Ayon sa aktres, malaki ang naitulong ng kanyang trabaho kaya nagpapasalamat siya sa GMA dahil nakakalimutan nito ang kalungkutan dahil sa teyping ng afternoon soap opera.

Kontrabida ang role nito sa Tinig na kung saan pinahihirapan niya si Yasmien Kurdi. Ang isa pang ikinatutuwa nito ay kasama rin niya ang mga kaibigan noon sa That’s Entertainment na sina Gary Estrada, Sheryl Cruz at Ian Veneracion.

Kapag libre sa showbiz commitment ay inaasikaso nito ang kanyang wig business.
Na-In Love Din Kay Angel
Tinamaan din noon si Richard Gutierrez at naging matindi ang crush kay Angel Locsin nang gawin nila ang pelikulang Sigaw.

Pero hindi na naituloy ni Richard ang kanyang panliligaw kay Angel dahil na-link ang magandang aktres noon kay Dennis Trillo.

Nanatili na lang silang mabuting magkaibigan kung saan inamin ni Richard na komportable sila ni Angel kahit sa mga tender kissing scenes.

May kanya-kanya na silang mahal ngayon pero nanatili namang matatag ang kanilang tambalan. Kilig factor pa rin at muli nilang patutunayan sa I Will Always Love You na Valentine offering ng Regal Films.

Nakadagdag sa kanilang pag-iibigan sa movie ang magagandang tanawin sa San Francisco Bay Area.

Palabas na ang I Will Always Love You sa Pebrero 8.

vuukle comment

ALENA

AMIHAN

ANGEL LOCSIN

BAHAY MO BA TO

BEST ACTRESS

DAHIL

ETHERIA

I WILL ALWAYS LOVE YOU

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with