^

PSN Showbiz

Joey, Alicia, open na!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sa premiere night ng Hari ng Sablay ay hindi lang sina Raymart Santiago at Claudine Barretto ang sweet na sweet kundi gayundin sina ex-Mayor Joey Marquez at Alicia Mayer na magkasamang dumating para suportahan si Bearwin Meily. Siguro ay nagustuhan ng aktor ang pagiging homebody ng aktres na hindi mahilig sa gimikan kaya nagkasundo sila.

Nakita rin namin kung gaano kasaya si Mother Lily at umiindak pa habang kinakanta ang theme song ng Hari ng Sablay pagbabadya lang na kikita ito sa takilya.

Nakakaaliw ang pelikula mula sa simula hanggang sa katapusan kung saan tinalakay ang pagiging malas ni Bearwin na ipinakita sa iba’t ibang eksena.

Palabas na ang Hari ng Sablay ngayong Miyerkules, Nobyembre 30.
Patok Ang Mall Tour
Hindi kami magtataka kung bakit dinudumog ang mall tour nina Marri Nallos, Juan Rodrigo at ang baguhang singer na si Christan. Paskung-Pasko na kasi ang kapaligiran sa mga mall na pinagtatanghalan nila kung saan inaawit ang mga pamaskong awitin na nakapaloob sa "The Christmas" album.

Gandang-ganda kami sa awiting "Anniversary Nating Muli" ni Marri na bagay sa magsing-irog na naghiwalay bago mag-Pasko. Inawit din nila ang bagong version ng "Whispering Hope" at "Silver Bells Medley".

Magaling nang mag-perform bilang singer si JR na may entry din sa MMFFP ngayong Pasko titled Mga Batang Kalye under Rosas Productions.

vuukle comment

ALICIA MAYER

ANNIVERSARY NATING MULI

BEARWIN MEILY

CLAUDINE BARRETTO

HARI

JOEY MARQUEZ

JUAN RODRIGO

MARRI NALLOS

SABLAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with