^

PSN Showbiz

Kristine confirmed na hindi na umuuwi sa bahay ni Diether

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Confirmed na hiwalay na sila Kristine Hermosa and Diether Ocampo. Kung noon, pinagdududahan ang kanilang set up dahil baka raw gimik na naman, pero mismong malapit na sa aktor ang nagkuwento ng tungkol dito.

Hindi na raw umuuwi si Kristine sa house ni Diether.
* * *
Nakakatawa ‘yung kuwento ng isang friend ko na neighbor before ni James Yap. Nakakatawa dahil ang dati pala nitong tinitirhang condo, may loft. Eh sa sobrang tangkad daw ni James, halos yumuko ito sa kanyang tinitirhan tuwing naglalakad. "Pero mas mabababa ang ceiling ng loft kaya talagang nakayuko na siya pag naglalakad. Mabuti na lang at wala na siya sa unit niya.

"Diyan noon madalas si Kris (Aquino)," sabay turo ng source ng Baby Talk sa dating condo ng cager.

Common knowledge na live in sina Kris and James.
* * *
Minsan kasal muna bago pag-ibig...

Ganito ang kuwento ng My Little Bride na isang Korean movie na may Tagalog translation.

Nagkaroon ng arranged marriage ng 24-year old college playboy na pinakasalan ang 17 year old high school girl.

Si Simon (Kim Rae-won) ay isang brash art student na may overactive libido. Si Bea (Moon Geun-young) ay isang sweet teenage girl na may dewy eyes and a child like personality. Parang pamilya na ang kanilang turingan as in brother and sister ang turingan nila. Pero dahil sa isang old promise ng kanilang grandfather, naging mag-asawa sila.

Do’n magsisimula ang katatawanan ng kanilang kuwento. Pero in the end naman mari-realize nila na in love pala sila.

Sina Kim at Moon ay parehong hottest Korean actors. Si Kim ay famous as the gorgeous hunk na napanood natin sa Attic Cat. Kilala naman si Moon sa kanyang scary portrayal sa blockbuster thriller na A Tale of Two Sister.

Siya rin ang young Jenny sa first Korean hit TV series sa bansa, ang Endless Love - Autumn in My Heart.

Showing na sa Metro Manila theaters ang My Little Bride on Nov. 23.
* * *
Nakita natin ang drama, smiles and tears, victories and losses siyempre. Sa loob ng sampung linggo, inabangan ng mundo ang resulta kung sino ang next frontman ng popular Australian band na INXS. Kasama sa mga pinagpilian ang ating kababayang si Mig Ayesa na kasalukuyang nasa bansa.

Kaya naman maagap ang Sony BMG Music Entertainment sa pagre-release ng Rock Star: A Night at The Mayan Theatre featuring the top performances ng hit reality show Rock Star: INXS.

Kasama sa album ang 15 finalists singing their memorable rock pieces kasama ang winner na si J.D. Fortune sa kanyang version ng "American Woman." And of course ang kababayan nating si Mig with two songs, "Smells Like Teen Spirit" and "Baby I Love Your Way."

It also features Jordis Unga ("Baba O’Riley" and "The Man Who Sold The World"), Ty Taylor ("Cult of Personality"), Dana Robbins ("Knockin On Heaven’s Door"), Neal Carson ("Brown Sugar"), Tara Slone ("Middle of the Road"), Brandon Calhoon ("Rock and Roll All Nite"), Jessica Robinson ("Celebrity Skin"), Wil Seabroak ("Heroes"), Heather Lutrell ("Burning Down The House") and Suzie McNeil ("Remedy").

Ten consecutive weeks naglaban-laban ang 15 performers na inabangan ng buong mundo. Since ma-lost ang lead singer ng INXS na si Michael Hutchence, nagpa-audition na sila ng papalit sa five continents.

In any case, available na sa lahat ng record bars ang Rock Star CD.
* * *
Hanggang ngayon ay maraming naniniwala na may agimat ang pamilya Revilla partikular na si dating senador Ramon Revilla Sr.

Pero meron nga ba?

Ngayong gabi, kakalkalin ni Ricky Lo sa Showbiz Stripped ang kuwentong ito kasama ang buong angkan - Ramon Sr., Bong, Lani, Jolo, Bryan and Andrea na ngayong araw ang kasal kay Junjun Ynares.

Titled Agimat ng Angkan, ikukuwento nila kung paano nga nila nakuha ang agimat kung meron nga.

vuukle comment

A NIGHT

A TALE OF TWO SISTER

AMERICAN WOMAN

ATTIC CAT

CENTER

MY LITTLE BRIDE

PERO

ROCK STAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with