Kapamilya pa rin si Desiree!
November 4, 2005 | 12:00am
Gumagawa na ng pelikula sa Viva Films si Desiree del Valle. Ang una niyang pelikula rito na pinamagatang Tuli ay kasalukuyan pa ring pinag-uusapan, di lamang sa magandang pagkakagawa dito ng direktor na si Auraeus Solito na naging dahilan para hirangin itong Best Picture sa ginanap na CineManila Film Festival kundi maging ang maselang pagganap ng tatlong kabataang gumanap ng lead roles, sina Desiree del Valle, Vanna Garcia at Carlo Aquino.
Mainit ang mga eksena ng pag-ibig nina Desiree at Carlo, na nilagyan ng pumping scene, pero mas pinag-usapan ang eksena nilang magkasama ni Vanna. Eksena ng halikan.
"Okay lang yung kay Vanna, smack lang. Yun din kay Carlo dahil I was fully clothed. At saka yung pumping was just implied, puro facial expressions lang ang ni-require sa amin," ani Des.
Sa kabila ng pagpapalit niya ng management, from Star Magic to Viva , patuloy pa rin ang pagtanggap niya ng project sa Kapamilya Network. Like shes still with Kampanerang Kuba. "Im not really leaving ABS, Im just not being managed by them anymore," paliwanag niya.
Lahat ng nakapanood nito, kasama na yung mga critics ay pawang papuri ang ipinagkakaloob sa pelikula. Kaya kung hindi nyo pa napapanood ito, binibigyan kayo ng Viva na saksihan ang isa nilang magandang pelikula at ang pagsilang ng isang bagong aktres.
Ang concert ay isang tribute ni Regine sa kanyang mga singing idols (Barbra Streisand, Sheena Easton, Angela Bofill, Sharon Cuneta, Kuh Ledesma, Whitney Houston at Mariah Carey). Regine will interpret songs that mean so much to her personal and professional life.
Si Regine din ang direktor ng kanyang concert na magtatampok din kina Aiai delas Alas, Kim Flores, Jonalyn Viray, Wyeth Gifted Kids, saxophonist Jacob Sarreal, violinists Joseph Valdez, Paulina at classical cellist Pocholo Gutierrez. Direksyon ni Raul Mitra.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended






















