Actor na hinihinalang baklita, biktima ng back stabbing
October 25, 2005 | 12:00am
Isang friend ko na ang nag-e-mail tungkol sa mga nasagap niyang mga balita tungkol sa ilang mga tauhan na involved sa isang stage play na nasa second at last weekend run na ngayon.
"Tinatanong nga kami kung sino ang aming source, pero ito lang ang masasabi namin, kung maraming mga penis ang nagsalita sa show nila, marami rin kaming sources," ayon sa aking friend.
Anyway, naloka ako sa una niyang kuwento. Hindi raw kasi sikat pero malakas ang personalidad ng stage actor na ito na recently ay nakatanggap pa ng parangal mula sa isang award-giving body. Ang press release kasi ng stage actor na ito ay naaksidente siya sa abroad kung kayat he had to miss some important rehearsals. At kakutsaba pa raw niya ang manager na tumawag pa sa director ng disoras ng gabi para i-report ang aksidente. Pero how true na ang totoo raw kuwento ay rumaket lang siya (actor) at nag-extend para mag-relax sa abroad dahil sayang naman ang kikitain niya kung kayat nag-imbento na lang sila ng istorya.
Paniwalang-paniwala naman daw ang ibang mga kasama sa trabaho dahil kumpleto sa mga detalye, pati mga MRI at kung anu-anong scan ang chika pero wala namang naipakita kahit x-ray. Eto pa, nung dumating daw nga sa rehearsal, kumpleto sa production design at props ang isang injured na hitad kayat pinagbunyi pa ang kanyang pagiging professional kuno. Di lang nila alam na gimikera lang ang hitad at acting to the max ang pinakita, ayon sa aking source!
Second na kuwento ng friend ko, sino naman itong pagkakisig-kisig na aktor na kinukwestiyon ang totoong size ng kanyang asset. Takang-taka daw ang mga costume staff at mga nasa likod ng production dahil minsan sobrang walang bulge ang aktor sa mga eksena niya tapos biglang dakelya siya sa lahat ng kanyang eksena sa sumunod na performance. Ang verdict daw ay hindi talaga well-endowed ang actor at kailangan lang niyang mag-camouflage dahil sexy ang image niya at super insecure siya sa ibang mga kasama niya.
Ito pa: Pangatlo, isa raw sa mga involved na tao sa produksyong ito ang kilala sa pagiging "oh promise me" hindi lang sa boys na cast kundi pati na sa kanyang mga ka-level na bosing. Nangako raw nung una sa mga cast na may billboard sila, pero matatapos na ang show, wa pa ring na-sight kahit isang billboard. Sa mga boys naman ng show, kung anu-anong mga pangakong next projects ang say na ibibigay niya kapalit ng konting hugs and kisses. Kilala raw siya sa rami ng kanyang mga nakakabangga sa showbiz pero powerful pa rin siya dahil madatung daw.
Lastly, kunwari raw ay matindi ang bonding ng cast pero ang tindi ng back stabbing na nagaganap. More than one daw ang baklita sa cast at kunyari ay close sila pag kaharap ang isat isa, pero huwag ka, kung anu-ano raw karumal-dumal na kuwento at paninira tungkol sa mga kabaklaan ng iba ang maririnig pag nakatalikod.
Kawawa naman yung isang hanggang ngayon ay itinatago pa rin ang kanyang tunay na pagkatao, di niya alam, tsinismis na nung kabaro niya ang kanyang mga homosexual adventures.
O di ba nakakaloka ang mga kuwento ng aking reliable source na kahit kailan ay hindi pumalpak sa mga kuwento?
Very unique ang The Sexy Chef Cafe dahil para talaga ito sa mga nagda-diet. Lahat yata kasi ngayon, gustong magpapayat kayat kung walang epek ang ginagawa nyo diet, dapat nyong i-try ang The Sexy Chef Cafe.
Sila ang nag-introduce ng South Beach Diet Value Meals - P199 per meal (choice of two dishes includes lean meat/seafood, vegetable sidings/brown rice).
Si Barni ang nag-create ng menu na dati ay pini-prepare niya lang for Rachel. Effective ang nasabing food for Rachel kaya maraming nagtanong sa kanya kung anong secret niya para maintain ang sexy figure ng singer. Don nag-start. Nong una, may ilang nago-order kay Barni hanggang sa dumami na nang dumami.
Dahil sa rami nang nag-oorder, nag-open na sila The Sexy Chef Cafe na pwedeng puntahan ng mga sobrang conscious sa kanilang figure like Rachel and Barni.
Minsan na naming na-try na kumain sa The Sexy Chef Cafe - at isa lang ang masasabi namin - sobrang sarap. Dahil sa sarap, hindi mo na pala namalayan na marami ka palang nakain. Pero ok lang dahil lahat naman ng food ay low fat.
Pati dessert, low fat and sugar free kaya confident ako na hindi ka tataba.
Anyway, kung diet to death kayo at wala nga kayong time na mag-prepare mag-order na lang kayo sa The Sexy Chef Cafe. Meron silang rider sa buong Metro Manila, take note, free delivery. Please call 911-8881 or 0917-7992433.
By the way, special thanks to Ms. Girlie Rodis na nag-invite sa aming mag-dinner sa The Sexy Chef Cafe two weeks ago.
Nag-enjoy kami sa food - with Tita Ethel Ramos, Tita June Torrejon, Ms. Shirley Kuan, Ian Farinas, Ms. Leah Salterio, Isah Red, Ed Pacheco and Iskho Lopez. Of course present ang magkapatid na sexy - Rachel and Barni.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended




















