^

PSN Showbiz

Si Joey mismo ang nagsabing pera ni Janice ang ipinambili ng bahay nila ni John!

-
Tinutukan din pala ng programang S-Files ang guesting ni John Estrada sa The Buzz nung Linggo at mismong si ex-Mayor Joey Marquez (kaibigan ni John) pa ang nagsabing lakasan ang audio ng tv monitor nila sa studio habang commercial break sila.

Natiyempong ikinuwento ni John ang tungkol sa bahay nila sa Parañaque City ng dating asawang si Janice de Belen na conjugal property daw nila bilang mag-asawa at hindi na raw niya kinuha dahil give niya yun para sa mga anak nila. 

Sa harap mismo ng mga staff ng S-Files ay sinabi ni Mayor Joey na, "Sinong nagturo na sabihin yun ni John? Mali-mali lahat? Pera ni Janice ang ginastos sa bahay nila sa Parañaque, si Janice ang nag-ayos lahat ng mga papeles ng bahay kaya tama lang na mapunta kina Janice ang bahay. Alam ko lahat ‘yun dahil ako pa ang Mayor no’n, talaga itong si John, batang isip pa rin."

At hindi raw nakasagot lahat ng staff sa narinig nila buhat sa mismong kaibigan ni John.

"Sana hindi na lang siya nagpa-interbyu (The Buzz), sana nag-usap na lang silang dalawa, di hindi na sana humaba pa. Nalaman tuloy na naman ng publiko ang gusot nila," dagdag pa raw ng isa sa host ng S-Files.

Samantala, kung hindi babaguhin ang plano ay magsasalita ngayong araw, Miyerkules si Janice sa live episode ng Sis kasama ang legal counsel niyang si Atty. Raymund Fortun tungkol sa mga binitiwang pahayag daw ni John sa The Buzz nung Linggo.
* * *
Hanggang ngayon pala ay irita pa rin si Yasmien Kurdi sa mga kumukuwestiyon sa pagkakapanalo niya bilang viewer’s choice para sa kategoryang "Song of the Year" sa awiting "I Know" na theme song ng Koreanovelang Sweet 18 sa GMA 7.

At hindi rin niya makalimutan na inokray din siya ng programang The Buzz kung tunay daw ba siyang singer?

Ayon kay Yasmien ay marami na siyang sinalihang singing contest sa school nila at parati siyang winner, naging representative rin siya ng school nila para sa isang inter-school singing competition at choir member din siya ng kapilya ng Iglesia Ni Cristo sa local ng V. Luna, Quezon City, bukod pa sa mga stage plays sa school na kasama rin siya.
* * *
Aminado ang dating NGO officer na si Miguel Castro na walang pera sa teatro dahil nga maliit lang daw ang talent fee na ibinabayad sa theater artists kumpara sa mga artista sa showbiz.

Nasubukan na rin daw ni Miguel mag-showbiz, bit roles nga lang at okey nga raw ang pay, pero mas ginusto niya uling bumalik sa teatro dahil narito raw ang passion niya as an artist.

At sa katunayan ay magkakaroon siya ng first one-man mixed media exhibition entitled Bal Masque sa Nicotina Garden Pavilion, Roxas Boulevard umpisa ngayong araw, Miyerkules October 19 hanggang November 13, 2005.

Tatlumpong iba’t ibang klaseng Venetian masks ang makikita sa nabanggit na exhibit at bukod dito ay may re-run ang musical play niyang St. Louis Loves Dem Filipinos The Musical na gaganapin sa AFP theater sa November 18, 20, 24 at 27.

May sariling business si Miguel o Migs, nage-export siya ng Venetian Masks, hand-made, hand-designed made of 90% paper products.
* * *
Hinahanap ng mga reporter ngayon si Katarina Perez, ang isa sa dalawang babaeng binanggit ni Jennylyn Mercado na kalampungan daw ni Mark Herras sa Marco Polo Hotel nung nasa Davao City sila two weeks ago.

Hindi maganda ang imahe ngayon ni Katarina dahil bukod tanging siya na lang ang hindi pa nagpapaliwanag ng side niya, pinabulaanan na ni Ryza Cenon na hindi totoo ang paratang sa kanila (Mark) ni Jennylyn na kaibigan pa niya.

Pati manager ni Mark na si Lolit Solis ay ipinagtanggol si Ryza na hindi siya ang tipo ng babaeng magdidikit sa alaga niya dahil alam naman daw nitong may ka-loveteam ito.

"Si Katarina, malambing kasi ‘yan, kaya siguro akala lampungan na, e, kung bakit kasi kumandong pa kay Mark.

"Pero alam n’yo, kung hindi napagsabihan ni Bong (Revilla, Jr.) si Jolo (Revilla), malamang siya ang nabuntis ni Jolo at hindi si Grace (Adriano) kasi itong si Katarina, madikit din kay Jolo," kaswal na kuwento ni ‘Nay Lolit sa amin. REGGEE BONOAN

vuukle comment

BAL MASQUE

JANICE

JOLO

NILA

NIYA

S-FILES

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with