^

PSN Showbiz

Mark, nagseselos kay Nyoy!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Balitang close ngayon sina Jennylyn Mercado at Nyoy Volante at katunayan ay inimbitahan ng singer ang aktres para manood ng kanyang concert sa Black Berry na idinaos kamakailan.

Kasama ni Jen sa panonood ng show si Becky Aguila. Balitang nagseselos ngayon si Mark Herras.

Matagal nang magkakilala sina Jen at Nyoy at nagkasama sila sa Acoustic with Nyoy.
Niño Muhlach, Movie Director Na!
Nagkita kami sa MOWPPAP Photo Contest ni Niño Muhlach at nagkakwentuhan tungkol sa kanyang pinagkakaabalahang trabaho ngayon.

Prodyuser na rin ito ng digital film na Basilio at Huli na ang tema ay tungkol sa himagsikan at ang mga excerpts mula sa Noli Me Tangere under Digital Wonder.

Siya rin ang director nito na tinatampukan ni Mark de Leon, isang stage actor at mga kasamahang sina Conrad Poe, Rez Cortez, Efren Reyes at Amalia Fuentes. Kinunan ang kabuuang pelikula sa Nagcarlan, Laguna.

Nagdirek na ng stage play si Onin pero first time niya sa pelikula.

"Mahirap magdirek at the same time kung ikaw din ang prodyuser dahil kahit ang kaliit-liitang gastos ay sagot mo, kahit pa mga masking tape," aniya.

Ipalalabas ang Basilio at Huli sa Asia Pacific Film Institute this November at di pa alam kung kailan ang playdate para sa mga sinehan.

"Kumusta naman ang iyong anak?" tanong namin.

"Hindi ko naman siya pinababayaan at lagi ko pa ring dinadalaw dahil lagi ko siyang nami-miss. He’s four years old na," dagdag pa nito.
Amalia, Walang TF Kay Onin!
Kwento pa rin ni Niño na kasama sa pelikula si Amalia Fuentes sa papel ni Hermana Panchang. One day lang naman ang syuting nito at hindi ito humingi ng TF. Paborito rin kasi nitong pamangkin si Onin kaya handa siyang sumuporta.

Maganda ang role niya rito at excited din sa muling pagharap sa kamera ayon pa sa aktor.
Susan, Naaliw Sa Mga Larawan Ni FPJ
Naging ispesyal na panauhin si Susan Roces sa ginawang MOWPPAP Photo Contest kung saan kasama ng aktres ang kanyang anak na si Grace at dalawang apo. Naaliw ito sa panonood ng mga larawan ng yumaong kabiyak lalo na sa isang photo na nakadamit lola si FPJ. Itinuturo pa niya ang larawan sa kanyang apong lalaki.

Sa kabilang banda, naging isang malaking tagumpay ang photo contest dahil naging star-studed ito. Narun din sina Vice Mayor Herbert Bautista, Joey de Leon, Sheryl Cruz, Imelda Papin, Manay Ichu Maceda, Boots Anson Roa, Pablo Gomez, Niño Muhlach, Honey Blanca at iba pang mga kapatid sa panulat gaya nina Ronald Constantino at Chit Sambile.
No Rice, No Lunch Si Joey
Inamin ni Joey de Leon nang makatsikahan namin na hindi siya nagwo-work-out pero hindi naman lumalaki ang tiyan.

"No rice at no lunch ang ginagawa ko pero I eat a little sa breakfast at sa dinner. Sa sobrang dami ng trabaho wala na akong time sa pagwo-work-out. Pero I see to it na balance lagi ang mga kinakain ko," aniya.

Tinanong ko rin kung di ba siya naiilang sa paghu-host ng Startalk dahil puro tsismis ang kanyang mga pinakakawalan.

"Enjoy naman ako sa talk show at kahit pa puro tsismis ay okey lang sa akin," dagdag pa nito.

Ipinagmamalaki nito ang kanilang Eat Bulaga na 26 years na at daily pa ito. "Yung kay Nora Aunor na Superstar ay tumagal din sa ere pero weekly naman ito," sey pa ng TV host.
Blind Item: Weirdo Ang Aktor
Na-in love sa isang sikat na TV host ang isang young actor na sobrang seloso.

Kasama ang TV host at aktor sa isang sitcom. Umiiyak ang young actor kapag nakikitang may ibang kausap ang TV host. Ganun katindi siyang magselos. May pagkakataon pang kapag sweet na nakikipag-usap sa isang guy ang crush na TV host ay pupunta sa dressing room ang aktor at susuntok-suntukin ang pader sabay iyak.

Hindi naman bading ang aktor dahil ilang aktres na ang nakarelasyon nito pero may pagka-weirdo, di ba? May tsismis noon na gumamit din daw ito ng ipinagbabawal na gamot.

vuukle comment

AMALIA FUENTES

ASIA PACIFIC FILM INSTITUTE

BALITANG

BASILIO

CENTER

MUHLACH

PHOTO CONTEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with