Pinagaganda dahil No. 1 sa US
October 10, 2005 | 12:00am
Maganda ang salubong sa amin ng mga taga-Davao para sa Grand Kapuso Fans Day. Pagbaba namin ng eroplano nung Sabado ng tanghali ay sinalubong na kami ng mga ati-atihan.
Kinabukasan (Linggo) nagbigay na ng Serbisyong Totoo ang GMA-7 bilang free clinic sa Davaoeños na may sakit. Tapos ay sinundan ito ng Parade of Stars at motorcade na tinampukan nina Richard Gutierrez, Angel Locsin, Janno Gibbs, Regine Velasquez, buong tropa ng SOP Gigsters, at cast ng Encantadia. Siyempre naroon sina Mike Enriquez, Mel Tiangco, Jessica Soho, Arnold Clavio at ang mga talent ng Siete.
Maraming salamat po sa magandang pagtanggap ng mga kababayan natin sa Davao, patunay lang na buo ang suporta ng mga kapatid natin doon sa Kapuso Network.
Successful din ang show namin sa Club Mwah! nung nakaraang linggo na naging special guest si Vina Morales. Dumating din sina Jenine Desiderio, The Company at si Angie dela Cruz from the US. Natuwa nga si Mommy Nene Vera Perez nang muli siyang makita. Isa po si Angie sa Wing Duo at Lemons Three nung Sampaguita days.
Katulad ng dati masaya ang show sa pagsasama-sama nila Pilita Corrales, John Joven, Melissa Reyes at Jackielou Blanco.
Maraming fans ang nagtatanong kung matatapos na ba raw ang palabas na Darna. Ang magandang balita ay extended po ang inyong paboritong fantaserye gaya rin ng Sugo at Encantadia.
Kaya kung ako doon sa mga nagsasabing may nangyayaring hokus pokus sa mga naglalabasang ratings ngayon sa telebisyon. Aba, imbes na kung anu-ano ang pagdudahan nyo, eh mag-isip na lang kayo kung paano aayusin at pagagandahin ang inyong mga shows o programa.
Sabi nga nila "weather weather" lang naman yan. At talagang ganyan, "bilog" ang mundo ika nga.
Nagpapasalamat po ako sa lahat ng nakaalala sa aking kaarawan at sa mga nagbigay ng oras para mag-guest sa ating show tulad nila Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Cong. Imee Marcos at iba pa.
Speaking of Master Showman, (Walang Tulugan with Master Showman) maraming samalat po sa mga kababayan natin sa Amerika sa pamamagitan ng ating GMA Pinoy TV, dahil No.1 po ang show natin doon.
Umasa po kayong mas lalo pa nating pagagandahin ang show at nakita nyo naman pati set ay pinaganda para maiba sa paningin ng ating manonood.
Nais ko ring pasalamatan ang mga artistang nakibahagi sa opening ng Star Olympics sa pangunguna nila Lea Salonga, Richard Gutierrez, Melissa Reyes at John Joven.
Ang second event ng ating Star Olympics ay gaganapin sa Araneta Coliseum sa Oct 15.
Kinabukasan (Linggo) nagbigay na ng Serbisyong Totoo ang GMA-7 bilang free clinic sa Davaoeños na may sakit. Tapos ay sinundan ito ng Parade of Stars at motorcade na tinampukan nina Richard Gutierrez, Angel Locsin, Janno Gibbs, Regine Velasquez, buong tropa ng SOP Gigsters, at cast ng Encantadia. Siyempre naroon sina Mike Enriquez, Mel Tiangco, Jessica Soho, Arnold Clavio at ang mga talent ng Siete.
Maraming salamat po sa magandang pagtanggap ng mga kababayan natin sa Davao, patunay lang na buo ang suporta ng mga kapatid natin doon sa Kapuso Network.
Katulad ng dati masaya ang show sa pagsasama-sama nila Pilita Corrales, John Joven, Melissa Reyes at Jackielou Blanco.
Kaya kung ako doon sa mga nagsasabing may nangyayaring hokus pokus sa mga naglalabasang ratings ngayon sa telebisyon. Aba, imbes na kung anu-ano ang pagdudahan nyo, eh mag-isip na lang kayo kung paano aayusin at pagagandahin ang inyong mga shows o programa.
Sabi nga nila "weather weather" lang naman yan. At talagang ganyan, "bilog" ang mundo ika nga.
Speaking of Master Showman, (Walang Tulugan with Master Showman) maraming samalat po sa mga kababayan natin sa Amerika sa pamamagitan ng ating GMA Pinoy TV, dahil No.1 po ang show natin doon.
Umasa po kayong mas lalo pa nating pagagandahin ang show at nakita nyo naman pati set ay pinaganda para maiba sa paningin ng ating manonood.
Ang second event ng ating Star Olympics ay gaganapin sa Araneta Coliseum sa Oct 15.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended





















