^

PSN Showbiz

Buhay ng TV personality, may sasabog na iskandalo

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Narinig ko sa isang umpukan ng mga gay friends kong nasa elite circle na kasal na pala si Bianca Araneta and Juan Elizalde. Preggy na raw kasi si Bianca say ng isa kong friend. Si Bianca ay pinsan nina Bernard Palanca at nagkaroon din ng show sa ABS-CBN.

Si Juan Elizalde naman ay anak ng may-ari ng Star City at DZRH.
* * *
Mas colorful pa sa mga napapalabas sa Maalaala Mo Kaya at Magpakailanman ang kuwento ng buhay ng isang TV personality. May involve na pera sa kuwento kaya mas lalong nakaka-intriga. Mana ang pinag-uusapan at hindi basta halaga, milyones na palagay ng source ay malaking iskandalo pag lumabas ang kuwento.

Well, wait and see na lang tayo.
* * *
All out ang support ng Jollibee sa first major solo concert ng Pop Princess na si Sarah Geronimo on Sept. 30 sa Araneta Coliseum. Bukod sa kilalang powerful belter and effective TV host (meron na siya ngayong sariling TV show, Little Big Star on ABS-CBN na mapapanood every Saturday), self-confessed Jollibee yumburger lover din si Sarah.

At bilang suporta ng Jollibee, they invited Sarah para i-promote ang kanyang concert sa Jollibee stores sa various malls. Last Sept. 10, naglibot siya sa SM Fairview, SM Megamall and Glorietta.

Anyway, halos hindi na makatulog si Sarah sa nalalapit niyang concert. As in practice siya nang practice. "I’m prepared, emotionally and  physically," Sarah said in an interview. "And I pray hard to God to help me live up to everyone’s expectations."

Pero bago ang pinakahihintay na araw, pupunta muna ng Japan si Sarah on Friday para sa isang show. Two days lang siya tapos ay babalik na agad.

Kung ang dami nang nanghihingi ng ticket sa concert ni Sarah ang basis, sure ako na box-office ang concert niya dahil kabi-kabila ang nanghihingi ng ticket sa akin. At hindi lang pala mga bata ang gustong manood. Maging mga lolo’t lola ay gustong manood. Nanghihingi kasi ng ticket ang caretaker namin sa house dahil gusto raw manood ng kanyang parents. Meaning, hindi lang bagets ang target audience ng concert ng pop princess.

Anyway after ng kanyang Araneta gig, may gagawin siyang movie under Star Cinema. Wala pa nga lang title.

"It’s going to be a different movie, the kind that will appeal to bagets," Boss Vic says.
* * *
Grabe ang ‘pagkabaliw’ ng mother ng isang pari kay John Lloyd Cruz. As in kahit mapuyat siya sa paghihintay ng Ikaw Ang Lahat Sa Akin, ang soap ni John Lloyd sa ABS-CBN dahil inilipat daw ito ng timeslot, ok lang lang sa kanya. Ano ba naman ‘yung may office pa siya the following day.

Say pa ni Mrs. Rosita Barretto Ko, mother ni Father Dale Anthony Barretto, ang healing priest sa Padre Pio Church sa Sto. Tomas, Batangas, kilig na kilig daw siya sa young actor at sana nga raw ay makita niya ito in person. Watch nga raw siya ng Dubai na showing na tomorrow starring Aga Muhlach and Claudine Barretto.

Inabutan kasi namin si Mrs. Barretto Ko nang magsimba kami last Friday, Feast Day of Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas.

"Noon, si Bong Revilla ang idol ko. Napanood ko lahat ng pelikula niya at marami akong collection ng pictures niya," kuwento ni Mrs. Ko.

Anyway, dinarayo na talaga ang simbahan ni Padre Pio. Ang daming nagpapa-heal.

Bagets pa si Father Dale at malaki ang plano niya sa naturang simbahan matapos itong i-declare na shrine.

Bukod sa pagpapari, teacher din si Father sa Batangas.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]

vuukle comment

AGA MUHLACH

ARANETA COLISEUM

BATANGAS

BERNARD PALANCA

BIANCA ARANETA

CENTER

JOLLIBEE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with