^

PSN Showbiz

Isabel, kabado sa kissing scene

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nakikilala na si Isabel Oli dahil sa Sugo kung saan katambal siya ni Richard Gutierrez. Akala ng iba ay may namumuo nang relasyon sa dalawa dahil sa pagiging close nila sa isa’t isa.

Noong una ay naiilang siya sa aktor dahil sikat na sikat na ito gayung baguhan pa lang siya. Pero sa kalaunan ay naging komportable na siya sa leading man dahil mabait ito at inaalalayan siya sa mga eksena.

Kaya lang kapag may kissing scene silang dalawa ay ninenerbiyos ang magandang aktres. Mabuti na lang at winu-workshop sila ni Direk Dominic Zapata para maging komportable sila kapag may kissing scene. Inamin kasi ni Isabel na hindi siya sanay makipaghalikan sa screen. Nakatulong ng malaki ang workshop sa kanya dahil hindi na siya naiilang sa eksena.

Lumaki sa Cebu si Isabel at nagtapos ng Information Technology sa University of San Carlos.
Sarah, Host Ng Singing Bulilits
Iniharap sa mga press people ang mga talented singing bulilits sa bagong programa ng ABS-CBN na Little Big Star kung saan host si Sarah Geronimo.

Lahat ng sampung bulilits ay puro may talento sa pag-awit na kinabibilangan nina Myka Torres ( 7 years old), Alla Clemente (9); Rachelle Bigaso (11); Charisse Pempenco (12); Jaya Sto. Domingo (8); Makisig Morales (8); Jim Limares (11); Bogs Maa (10); Joshua Cadelina (8) at Guian Barbarona (11).

Forty five ang nakapasa sa screening na isasalang sa contest kung saan nahahati ito sa dalawang division. Ang Little Division ay may edad mula 6-9 years old at Big Division mula 10-13 years old. Ang mga judges sa pilot episode nito ay mga celebrities na kinabibilangan nina Pops Fernandez, Jasmine Trias at Lito Camu. Ang texting ay magsisimula kapag napili na ang sampung finalists. Ang criteria ay 50% voice quality at 50% para sa star quality.

Mapapanood na ang launching ng programa sa September 24, Sabado ng gabi.
Blind Item: Bumagsak Sa Pagiging Kontrabida Ang Bida
Pinangakuan ng isang direktor ang isang sexy actor na singer na ngayon at myembro ng isang grupo ng mang-aawit para maging bida sa gagawing remake ng isang pelikula. Malaki kasi ang katawan nito at bagay sa title role.

Kaso may personal choice pala ang prodyuser na gawing bida ang isang wala pang karanasan sa pelikula at malaki rin naman ang katawan. Nalulungkot ang sexy actor-singer dahil hindi pala mapupunta sa kanya ang inaasam na title role ng movie.

Biglang buwelta naman ng prodyuser sa kanya na hindi naman siya mawawala sa pelikula dahil siya ang kukuning kontrabida ng bida.

vuukle comment

ALLA CLEMENTE

ANG LITTLE DIVISION

BIG DIVISION

BLIND ITEM

BOGS MAA

BUMAGSAK SA PAGIGING KONTRABIDA ANG BIDA

CHARISSE PEMPENCO

DAHIL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with