^

PSN Showbiz

Di na muna mag-aabroad si LJ!

- Veronica R. Samio -
Hindi naman siguro madi-disappoint ang mom ni LJ Reyes kung di man makasunod agad sa kanya ang kanyang anak sa US dahil maganda ang takbo ng career nito ngayon. Mula nang manalo ito sa StarStruck 2 ay hindi na naubos ang mga offer dito para sa TV (Love To Love, Sugo, Now & Forever) at ngayon ay nagkaro’n pa ito ng isang hit movie, ang Lovestruck na kung saan ay magkakasama silang lahat ng winners ng dalawang matatagumpay na StarStruck contests. Sa tagumpay nito, siguradong magkakaro’n ito ng follow-up.

Kapuri-puri nga si LJ na sa kabila ng kaabalahan sa kanyang career ay nagawa pang mag-enrol na muli. Nakatakda siyang magsimula bilang freshman sa La Salle na kung saan ay balak niyang kumuha ng isang double degree sa Communication Arts at Finance.

At parang hindi pa sapat ang tagumpay niyang tinatamasa dahil kapipirma pa lamang niya bilang latest BUM G endorser. Ka-join na siya ng mga ibang endorser ng BUM G tulad nina Raymart Santiago, Keempee de Leon, Mark Anthony Fernandez, Danilo Barrios, Heart Evangelista, Jill Yulo, Carla Humphries, Kyla at marami pang iba.

Paano na ang pagpunta niya ng abroad?

"Maiintindihan na yun ng mom ko. Minsan lang dumating ang ganito kagandang chance kaya hindi ko ito mapapalampas. Basta ang importante ay hindi ko pinababayaan ang pag-aaral ko. Ito lamang naman ang mahalaga sa kanya. Besides, madalas naman kaming mag-usap, alam niya kung ano ang nangyayari sa akin at kung ano ang ginagawa ko rito sa Pilipinas," sabi ni LJ.
* * *
Kilala na ang Destileria Limtuaco sa paggawa ng mga dekalidad na inuming nakakalasing. Tulad ng White Castle Whiskey na ngayon ay 69 proof na, ibig sabihin ay binawasan ang nakakalasing na elemento nito para maging swabe sa panlasa at di magbibigay ng hang-over.

May bagong endorser ang White Castle na di man inabot ang tradisyon ng mga babaeng naka-bikini at sakay ng isang puting kabayo, inabot naman nito ang mas improved na inumin na hindi lamang dito sa atin kilala kundi maging sa maraming bansa sa labas ng Pilipinas.

Ito si Maricar Fernandez na wala mang puting kabayo ay mayro’n namang pitong naggugwapuhang kalalakihan na magsisilbing suporta niya at escort sa pagpu-promote ng White Castle. Ito ang Masculados na ang hit song na "Swak na Swak" ay gamit na ng produktong pino-promote nila.

Si Maricar ay dating myembro ng Star Circle at gumanap na diwata sa Spirits. Naging bida rin siya sa pelikulang U-Belt.

Sa isang pakikipag-usap kay Olivia Limpe-Aw, presidente ng Destileria Limtuaco & Co., Inc. na siyang namamahagi ng White Castle Whiskey, umaasa itong di na naman malalagay sa alanganin ang kanyang produkto dahil sa slogan nitong "I-take home n’yo na!" Matatandaan na hanggang ngayon ay di pa nali-lift yung suspension na ibinigay ng Adboard sa kanila dahil sa isa pa ring naging slogan nila, yung "Nakatikim ka na ba ng kinse anyos?" referring to the drink being promoted pero, obviously ay tinanggap ng may malisya ng naturang ahensya kung kaya nagkaro’n ng suspension.

Nagpapasalamat na lamang ang mga taga-Destileria Limtuaco na sa kabila ng halos ay kawalan nila ng mga commercial sa TV at radyo, mabenta pa rin ang kanilang mga produkto. Malakas ang demand para dito hindi lamang dito sa bansa kundi maging sa labas n ito.

vuukle comment

CARLA HUMPHRIES

COMMUNICATION ARTS

DANILO BARRIOS

DESTILERIA LIMTUACO

HEART EVANGELISTA

WHITE CASTLE

WHITE CASTLE WHISKEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with