^

PSN Showbiz

Sheryn, hinamon!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nang huli naming makausap si Marri Nallos na alaga ng aming good friend na si Nelia Lim ay sinabi nitong siya pa ang napagbibintangan na nang-agaw ng titulong "Crystal Voice of Asia" na matagal nang gamit nito noong nasa Star Records pa siya.

Noong buhay pa si Inday Badiday ay nanood ito ng concert ni Marri at sinabing ang ganda ng kanyang boses…crystal clear, kaya nga ito na ang ikinabit na titulo sa kanya. Kailan lang ito ginamit ni Sheryn, ayon sa spokesperson ni Marri.

"Siguruhin n’yo lang na ipinarehistro n’yo ang titulo sa Intellectual Property Office. Dapat may application number kayo at paki-prodyus lang ng pruweba na nagme-may-ari nga kayo ng trademark at di lang application o O.R. Meron din kami niyan. As far as I know matagal ang approval niyan. Kung na-approve naman sila ng IPO ay bakit wala sa directory ng Intellectual Property Office yung aprubadong application? Meron ba silang approval? Kelan yun? As I’ve said mas gusto ko ngang na-approve sila so I can file a counter claim," sey ng manager ni Marri.

Tahimik lang sa isyu si Marri at kung magkrus ang landas nila ni Sheryn ay babatiin naman niya ito dahil likas na mabait ang seksing singer na abala ngayon sa promosyon ng "Destiny" album distributed by Viva Records.
JR, Ayaw Sa Botox
Kung ang ibang mga male singer ay gustong magpabata sa pamamagitan ng botox, hindi si Juan Rodrigo. Para sa kanya, wala namang masama kung gawin ito ng iba pero ayaw niya. Mabuti na lang makinis ang kanyang kutis dahil healthy living at hindi nito ugali ang magpuyat. Wala rin siyang bisyo kaya banat pa rin ang balat.

Nagi-ehersisyo ito tuwing umaga at mahilig mag-jogging. Lagi itong guest sa mall tour ni Marri Nallos at hindi rin nababakante sa paglabas sa soap opera at mga shows sa abroad.
Datihang Mga Artista, Balik-Pelikula
Maaasahan sa pagdidirek si Tony Bernal lalo na kapag aksyon o komedi ang pelikula. Siya kasi ang director ng Lisensyadong Kamao at maraming naaliw sa movie.

Nagbabalik ang dating action star na si Ramon Zamora na gumanap na alalay-kaibigan ni Manny Pacquiao. Mawawala ba ang kanyang German language sa ilang eksena lalo na kapag nagagalit ito? Kahit sabihing gasgas na ito ay naaaliw pa rin ang mga manonood.

Naroon din si Don Pepot na gumanap ng referee at gustung-gusto ng mga tao ang mga adlib ni Eddie Garcia na gumanap na promoter ng show.

Yun ang bentahe kapag masang-masa ang director dahil naibabalik ang mga datihang artista na kahit paano ay gusto ring kumita para maidagdag sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa buhay gaya ni Ramon.
Angel, Nadine, Hiwalay Ng Dressing Room
Inamin ni Angel Locsin na noong una silang magkita ni Nadine Samonte sa set ng Darna ay medyo naaasiwa sila kaya di nagbabatian. Lumala ito nang bigyan sila ng magkaibang dressing room.

Wala namang problema kay Angel dahil may respeto ito kay Nadine.
Blind Item: Young Actress, Walang Konsiderasyon!
Hindi nagugustuhan ng ilang production staff ang ugali ng sikat na young actress na ito. Minsan ay inutusan nito ang isang staff para kunin ang mga damit nito na iniisponsoran ng isang sikat na company sa napakalayong mall. Ang siste mo, pagbalik ng staff ay di nagustuhan ng aktres ang dala niyang damit kaya ipinasosoli ang mga ito sa kanya. "Meron na akong ganyang mga style. Ikuha mo pa ako ng iba," anito.

Ilang staff na rin ang imbyerna sa kanyang ugali kaya kapag nakatalikod ito iniismiran nila siya.

Kapag iniinterbyu ang aktres akala mo ay kay bait-bait dahil soft spoken at panay ang gamit ng magagalang na salita. May soap opera ang sikat na young actress.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

CENTER

INTELLECTUAL PROPERTY OFFICE

MARRI

MARRI NALLOS

MERON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with