^

PSN Showbiz

Oks na si Rayver sa pamilya ni Shaina!

-
Kung hindi mag-iingat si Angel Locsin ay baka bumalik na naman siya ng ospital dahil hindi niya sinunod ang bilin ng doktor na magpahinga muna bago siya uli magtrabaho.

Last Wednesday after lunch, August 3, siya lumabas ng ospital at kaagad siyang nag-taping kinabukasan, Huwebes. Hatinggabi na nang natapos siya.

Biyernes ay nag-shoot naman siya ng commercial at natapos ito ng alas-tres ng madaling araw. Umuwi lang siya para kumuha ng mga damit at diretso ng Subic, Zambales para habulin ang call time na alas-otso ng umaga ng Sabado.

Simula nu’ng Sabado hanggang kahapon, Lunes ng madaling araw lang nakabalik ng Maynila at diretso uli sa Antipolo City para sa location uli ng Darna.

Naiiling na lang ang kampo ng aktres dahil baka bumigay na talaga ang resistensiya niya.

Samantala, pinapa-klaro rin ng kampo ni Angel na hindi pa nila tinatanggap ang project na kasama si Cesar Montano dahil bisi-bisihan pa siya.

"Totoong may offer, pero hindi pa sarado kasi after ng Darna, may Mulawin, The Movie pa, tapos may movie pa with Richard (Gutierrez) sa Regal. Hindi nga alam ni Angel ‘yung offer kasi nga hindi pa tinatanggap. Pag okey na, saka palang ipinaalam sa artista namin," paliwanag ni Cynthia Valconcha, artist manager ni Angel.
* * *
May series of concerts pala uli si Vina Morales sa ilang major cities ng Europe at makakasama niya si Ogie Alcasid at sa half way ay si Janno Gibbs.

Kung hindi babaguhin ang plano ay ngayong araw, Martes ang lipad ng singer/actress/tv host patungong London kasama ang kanyang magulang na sina Daddy Ike at Mommy Deanne Magdayao.

Middle of September na ang balik ni Vina at promo kaagad ng third album niya under Star Records at bago uli magtapos ang buwan ay punta naman siya ng Canada para sa two night show.

Samantala, bago umalis sina daddy at mommy ay binilinan nila ang bunsong anak na si Shaina Magdayao na huwag nang makikisali pa sa mga isyu-isyu sa Dos dahil siya (Shaina) ang lumalabas na nega.

Na-trace na kasi kung saan at sino nagpasimula ng mga isyung kinasangkutan ng bagets na originally ay hindi talaga siya involved kundi idinamay lang.

Anyway, boto naman ang buong pamilya Magdayao sa bagong ka-loveteam ngayon ni Shaina na si Rayver Cruz dahil may chemistry daw at nagustuhan din nila ang production number ng dalawa sa ASAP 05 last Sunday.

Sixteen si Rayver at fifteen naman si Shaina kaya’t bagay daw at parehong teenager.
* * *
Dahil maganda ang feedback sa Mobile Kusina ni Christine Jacob na simula nu’ng nag-umpisa ay hindi pa natalo sa rating games ng katapat na programa ng ABS-CBN kung kaya tatapatan na rin ito ng Dos.

Kung hindi babaguhin ang plano ang working title ng katapat ng Mobile Kusina ay Makuha Ka Sa Tikim na sponsor naman ng Knorr.

Naaliw kami sa titulo, huh dahil kung may malisya ang mag-iisip ay iba ang ibig sabihin ng nabanggit na titulo.

Anyway, nakakuha naman ng rating na 10.1% ang guesting nina Kris Aquino at James Yap sa naturang programa kumpara sa katapat na 8% lang.

Akala namin ay magtatala ng pinakamataas na rating si Tetay sa programa ng GMA 7, hindi pala dahil ang highest rating na nakamit ng Mobile Kusina ay 13%. — REGGEE BONOAN

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANTIPOLO CITY

CESAR MONTANO

CHRISTINE JACOB

DAHIL

MOBILE KUSINA

SHAINA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with