^

PSN Showbiz

Kuya Germs, Idol of Stars

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Natutuwa naman kami at binigyan ng award ng Channel 7 si Kuya Germs, na tinawag nilang Idol of Stars. Kasi ang sabi nga nila, hindi naman matatawaran ang loyalty ni Kuya Germs na 33 years na pala sa GMA, at ang kanyang pagtitiyaga hanggang sa marating niya ang peak ng kanyang career bilang isang komedyante at television host. Si Kuya Germs ang isang magandang example ng isang tv host. Hindi lang siya basta tumatayo sa harap ng camera at nagbabasa ng script, katulong siya sa pangungumbida ng mga guests niya. Isipin ninyo, wala namang talent fee ang mga guests ni Kuya Germs, inaabot pa ng madaling araw. Kung hindi malakas si Kuya Germs, baka walang nag-guest diyan. Pero dahil sa pagtanaw nila ng utang na loob sa master showman, at paghanga na rin nila sa ginagawa noon, kaya sila nakukumbinsing maging guest sa kanyang show.

Makikita mo si Kuya Germs na nakikialam pati na sa sets ng kanyang show. Yong kanyang karanasan noon pa mang una sa mga stage shows, at diyan sa pagbuo ng sets ang kanyang puhunan diyan, at walang magaling na production designer na makapagsasabing wala siyang karapatan.

Bukod diyan, hindi mo rin naman matatawaran ang kontribusyon ni Kuya Germs sa industriya ng entertainment sa ating bansa. Halos kalahati ng mga sikat na stars natin ngayon ay nagsimula sa mga tv shows ni Kuya Germs.

Hanggang ngayon bilang presidente ng KAPPT ay nagse-serbisyo pa rin siya sa mga kapwa niya artista. Kaya tama lamang na parangalan si Kuya Germs. Kulang pa nga yon eh.
* * *
Naalala namin yang piracy. Kung may makikita kayong pirated copy ng New Police Story na ang bida ay si Jackie Chan, huwag na ninyong bilhin. Sayang lang. Napakaganda ng pelikulang yan. Matagal na panahon na tayong hindi nakakakita ng pelikula ni Jackie Chan na hard action talaga. Karamihan sa mga pelikula niya ay comedy. Itong New Police Story, inilabas ulit ni Jackie Chan ang kanyang kakayahan sa martial arts. Yan namang mga ganyang aksiyon, hindi mo makikita nang matino kung panonoorin mo lang sa tv o sa isang maliit na screen. Maiinis ka lang. Mas maganda ang mga ganyang klase ng pelikula na mapanood sa sinehan talaga, yong malaki ang screen at kung saan makikita mo talaga ang aksyon.
* * *
Aminado ang isang baguhang male star ng noong nagsisimula pa lang daw siya, ipinakilala siya sa isang tv network executive, na sa kanyang pagkagulat bigla na lang siyang pinangakuan ng build up at suportang personal, pero ang hinihingi namang kapalit noon ay ang maging boyfriend siya. Hindi niya akalain, bading pala talaga ang tv executive. Ibinibigay pa raw noong halimbawa ang ilang male stars na naging boyfriend niya at natulungan niyang sumikat. Mabuti na lang at baguhan ang male star, maganda naman ang moral upbringing. Hindi niya pinatulan ang bakla.

GERMS

IDOL OF STARS

JACKIE CHAN

KANYANG

KUYA

KUYA GERMS

NEW POLICE STORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with