Iza, magpapa-sexy na rin!
July 7, 2005 | 12:00am
Tumanggap na ng mature role si Iza Calzado. Handa na rin itong magpaseksi gaya nang ginawa ni Angelica Panganiban sa Santa Santita.
"Okey lang sa akin ang mga seksing eksena bastat kailangan talaga sa istorya. Gusto kong gampanan yung role ni Dawn Zulueta sa Hihintayin Kita Sa Langit," aniya.
Type nitong makapareha sina Aga Muhlach, Richard Gomez at Christopher de Leon. Twenty two years old na si Iza at inaming nakikipag-date siya sa isang non-showbiz guy.
May pelikula ngayon si Iza titled Pinoy Blonde katambal si Epi Quizon at kung matutuloy ang proyekto nito sa prodyuser ng Magnifico ay baka gampanan niya ang papel ni Madam Violet Sevilla.
Lagare ito sa taping ng Darna at tuloy naman sa syuting ng isang pelikula. Gustuhin man nitong matulog ay di pwede dahil nagra-rush ng shooting dito bago tumungo ng San Francisco para sa ilang malalaking eksena.
Ngayon ay artista na si Joshua at gagampanan nito ang papel bilang kaibigan ni Archie Alemania na siyang nagpakilala sa kanya kay Direk Joyce Bernal.
Tapos ng marketing ang baguhang aktor sa Thames noong 2002. Sa UP Diliman naman siya nag-high school at nag-elementary sa JASMS.
Nakaanim na ito ng trabaho pero laging umaalis dahil talagang sapul pa sa pagkabata ay hilig na niyang mag-artista.
"Pero lagi akong dini-discourage ng aking daddy at ayaw niya akong mag-showbiz pero kailangan kong magtrabaho para makatulong sa aking pamilya," aniya.
Siya ang nagbabayad ng tuition fee, may sariling yaya ito at naka-school bus pa.
Tapos lang ng high school sa Sta. Clara High School sa Pasay si Vhong kaya pangarap niyang mapagtapos ang anak sa kolehiyo.
Masaya na ang buhay ng aktres ngayon kahit nag-iisa dahil tapos na ng kolehiyo ang kanilang mga anak at may magagandang trabaho na. Ang iba ay may pamilya na rin.
Nagsosolo ang senior actress sa isang condo unit kasama ang katulong at driver. Madalas naman itong dalawin ng kanyang mga anak at apo.
Hindi ito nababakante sa telebisyon. Napapanood ito sa isang bagong teleserye at sitcom.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended

























