^

PSN Showbiz

Jennylyn, may bukol sa dibdib!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hindi naman siguro malaking isyu kung may bukol sa dibdib si Jennylyn Mercado. Normal lang na nagkakaroon minsan ng cyst ang isang babae pero ayon sa aktres, kapag hinipo ito ay paiba-iba naman ito ng pwesto. Baka naman cystic muscles lang yun. Mahalaga pa rin na magpakunsulta si Jennylyn para matiyak na ligtas siya.

Sa kabilang banda, halos walang tulog ang magandang aktres sa sobrang dami ng commitment. Kapag natapos ang Encantadia ng 7AM mula sa magdamagang taping ay diretso na agad ito sa set ng Love To Love at pag natapos ito ay natutulog lang siya ng ilang oras at diretso uli sa taping ng Encantadia.
Pokwang, Namatayan Ng Anak!
Sa likod pala ng pagiging komedyante ni Pokwang ay may malungkot na bahagi ang kanyang buhay. Nagtrabaho ito noon sa abroad para ipagamot ang kanyang anak na may kanser sa utak. Pero nawalan ito ng saysay dahil namatay din ang kanyang anim na taong gulang na anak. Lubhang napakasakit nito para sa kanya bilang ina.

Mabuti na lang at nagtagumpay naman ito nang pumasok sa showbiz. Ngayon ay kilala na ring komedyante si Pokwang.

Gagampanan nito ang papel ni Aruray Baclayon sa ‘D’ Anothers.
Magaling Na Filmmaker
Karagdagan sa mga magagaling nating direktor ngayon ay si Alfred Aloysius Adlawan, isang multi-awarded writer and filmmaker. Siya ang magdidirek ng digital film na Roomboy na tinatampukan ni Polo Ravales. Umattend ito ng filmmaking workshops sa Mowelfund Film Institute at New York Film Academy.

Kabilang sa mga award-winning works nito ay mga screenplays na Ang Babae sa Burol na nanalong second place sa Don Carlos Memorial Palanca Awards for Literature noong 1994 at Ang mga Ibon Sa Dapithapon na 1st place naman sa Film Development Foundation. Ang kanyang show film na Si Lolo Tasyo at Ang Araw ay 3rd place sa Gawad CCP for Alternative Film and Video.
Gusto Ng Mga Roles Na Ginagampanan Nina De Niro At Williams!
Walang duda na magaling na komedyante si Keempee de Leon. Effective siya sa mga gay roles. Pero may isa pa itong pangarap na gustong matupad bilang aktor.

"Gusto kong gampanan ang role ng physically-handicapped o mentally retarded yung mga karakter na ginampanan nina Robert de Niro at Robin Williams," aniya.
Blind Item: Duwag Ang Young Actor!
Noong nagsyuting ang aktor na ito sa isang lumang mansyon sa isang karatig-lalawigan ay may naramdamang kakaiba ang mga artistang kasama niya. Naroong makarinig sila ng yabag na tila lumalakad, kinikilabutan ang aktor.

Hindi ito makapunta sa CR kaya ginigising pa nito ang kanyang alalay para lang samahan siya. Inamin nito na matatakutin siya sa multo.

Ang young actor ay nanalo sa isang talent search at gf niya in real life ang ka-loveteam.

vuukle comment

ALFRED ALOYSIUS ADLAWAN

ALTERNATIVE FILM AND VIDEO

ANG ARAW

ANG BABAE

CENTER

POKWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with