^

PSN Showbiz

Regine, Piolo movie, sisimulan na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Malapit na palang simulan ang pelikulang pagtatambalan nina Regine Velasquez at Piolo Pascual sa Star Cinema. Last week ng buwang ito na ang shooting schedule nito at si Joey Reyes na ang magdidirek. Hindi na raw mahintay ng Star Cinema si Joyce Bernal at tila nasa ibang bansa pa. Wala pang title ang Regine-Piolo movie.

Walang ginagawang pelikula si Regine ngayon at sa Pinoy Pop Superstar at SOP lang siya busy. If ever, schedule ni Piolo ang magiging problema’t sabay nitong gagawin ang teleserye nila ni Judy Ann Santos. Sa July na raw sisimulan ang taping ng balik-teleserye ng dalawa na ididirehe nina Rory Quintos at Jerry Sineneng.
* * *
Hindi nakaya ng powers naming tanungin si Karel Marquez sa kumalat niyang sex video diumano. Isa kami sa nakapanood noon at dahil may kalabuan ang mukha ng babaing nasa video, hindi namin makumpirmang si Karel nga yon.

Kaya kahit kakwentuhan namin siya ng ilang minuto, hindi pa rin namin siya nagawang usisain tungkol doon. Pero, naitanggi na pala ni Karel ang kinasangkutang kontrobersya. Hindi raw siya ‘yun pero naapektuhan siya at ilang araw din niyang iniyakan.

Ang ipinagpasalamat lang ni Karel, hindi naniwala ang kanyang mga kaibigan na siya ang babaing nasa video. Wala rin daw epekto ‘yun sa kanyang career dahil hindi naniwala ang ABS-CBN. Hindi siya inalis sa pagiging VJ sa MYX at isinama pa nga sa QPIDS. Ang pinaka-importante sa lahat, hindi nag-atrasan ang mga kumuha sa kanyang maging product endorser.

Incidentally, first time magsasama sina Karel at ang ina niyang si Pinky Marquez sa Disney’s Beauty and the Beast. Sa June 16 na ang gala premiere nito sa Meralco Theater sa direksyon ni Bobby Garcia.
* * *
Naaaliw ang press kay Yasmien Kurdi’t kina-career daw nito ang love team nila ni Rainier Castillo lalo ‘pag nasa harap sila ng camera. Natawa kami nang ikuwento ng isang TV reporter ang naging reaction ni Rainier nang tawagin ni Yasmien na tumabi sa kanya’t iinterbyuhin sila sa TV.

Sobrang concerned daw si Yasmien sa loveteam nila ni Rainier at ginagawa ang lahat para mas sumikat pa ito. Dahilan din ito para maging inconsistent ang dalagita sa pag-amin sa relasyon nila ni Rainier. Kung kay Reggee Bonoan umamin siyang sila na ni Buboy (Rain, ang tawag sa kanya ni Yasmien), sa ibang reporter ay Thrulse ang sagot ni Yasmien. ‘Kaloka talaga!

Samantala, ilo-launch sa SOP sa June 19 ang debut album ni Yasmien sa GMA Records. In "The Name of Love" ang title ng 10-cut album na ang carrier single ay ang "I Know" na theme song ng Sweet 18. OPM ito pero tunog foreigner kaya, ang Yasmien, tuwang-tuwa nang mabasang ikinumpara sa foreign song ang kanta.
* * *
Madi-disappoint ang mga kinikilig na fans ng isang bagong TV pair ‘pag nalamang very much on pa rin ang TV female personality at ang inakala nating hiniwalayan niyang actor. Itinatago lang ng dalawa ang kanilang relasyon dahil marami ang hindi pabor pati ang kani-kanyang pamilya.

May itinutukso sa female TV personality na kasama rin niya sa show at tanggap ito ng viewers. Patunay ang patuloy na pagtaas ng rating ng kanilang show at ang malakas na sigawan kapag tinukso na sila ng mga kasama.

Naku, masasaktan nito ang male TV host ‘pag nalamang committed pa ang nililigawang TV female personality. Obvious pa namang malaki ang gusto niya sa dalaga.

vuukle comment

BEAUTY AND THE BEAST

BOBBY GARCIA

I KNOW

JERRY SINENENG

JOEY REYES

KAREL

STAR CINEMA

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with