^

PSN Showbiz

Beth Tamayo, ayaw munang magkaanak

RATED A - Aster Amoyo -
In love na naman si Kris Aquino at ang mapalad na lalaki ay walang iba kundi ang basketbolista ng Purefoods na si James Yap na isang buwan na niyang karelasyon.

Kahit isang buwan pa lamang ang relasyon nina Kris at James ay meron nang lumulutang na mga balita na nagpakasal na umano ang dalawa sa huwes bagay na hindi naman kinukumpirma at dinidenay ng dalawa.

Very transparent si Kris kapag ito’y in-love dahil ibang-iba ang kanyang glow ngayon.

Kung napaka-shortlived ng naging relasyon ni Kris kay Mark Lapid, magtagal naman kaya ang pakikipag-relasyon ni Kris sa cager na si James?

Si James ay pangalawang basketbolista na nagkaroon ng ugnayan sa bunso ni dating Pangulong Cory Aquino. Nauna na rito si Alvin Patrimonio although may pagkakataon ding na-link si Kris kay Romel Adducul.
* * *
Kung mala-rosas ang paligid ngayon sa magkaibigang Kris Aquino at Aiai delas Alas na parehong may natagpuang bagong pag-ibig, mukhang ganoon din ang nangyayari sa alaga ng ating Kumadreng Alfie Lorenzo na si Judy Ann Santos na nakatagpo na rin sa wakas ng lalaking muling nagpatibok ng kanyang puso sa katauhan ni Ryan Agoncillo.

Ngayong malapit nang muling magsama sina Judy Ann at Piolo Pascual sa isang TV series at pelikula, hindi naman kaya ma-insecure si Ryan?
* * *
Mukhang pareho ang panlasa nina Oyo Boy Sotto at Cogie Domingo pagdating sa babae. Ang kaibahan lamang nila, mas mabilis at mas madiskarte si Oyo Boy kesa kay Cogie pagdating sa panliligaw. Halos lahat kasi ng mga nata-typan ni Cogie ay kay Oyo Boy napupunta.

Hindi ikinakaila ni Cogie na matindi ang kanyang paghanga sa beauty ni Angel Locsin pero ito’y ‘pag-aari’ na ni Oyo Boy. May pagkakataon ding na-link sina Cogie at Anne Curtis na naging kasintahan din noon ni Oyo Boy.

Sila naman ngayon ang magkasama ni Nadine Samonte sa season 2 ng Now And Forever. Of course, everybody knows na si Nadine ay naging kasintahan din ni Oyo Boy. Since libre ngayon si Nadine at siya ang love interest ni Cogie sa Now And Forever, posibleng magkadebelopan ang dalawa lalo pa’t aminado si Cogie na type niya talaga ang beauty ni Nadine.
* * *
Simula ngayong Lunes, Hunyo 6 ay magbabagong-bihis ang daily early morning program ng ABS-CBN na Magandang Umaga Bayan. Gagawin na itong Magandang Umaga Pilipinas (MUP). Mananatili sa programa ang mag-asawang Tintin Bersola-Babao, Julius Babao, Bernadette Sembrano, TJ Manotoc, Winnie Cordero at Aida Gonzales at madadagdag naman sa morning program sina Ryan Agoncillo at Bianca Gonzales. Mawawala naman sa programa sina Erwin Tulfo, Ogie Diaz at Nina Corpuz.

Ang mag-asawang Julius at Tintin ay naka-sentro sa adult audience, sina Bernard at TJ sa mga working yuppies habang sina Ryan at Bianca naman sa mga kabataan.

Mananatili rin si Lui Villaruz na magkakaroon ng bagong segment sa programa. Si Winnie naman ay hindi na magbabalita tungkol sa traffic kundi sa mga consumer matters habang si Aida Gonzales naman ang nakatoka sa traffic.

Sa pagbabagong-bihis ng pang-umagang programa ng Dos, maungusan na kaya nila ang katapat nilang programa, ang Unang Hirit ng GMA?
* * *
Numero uno talaga pagdating sa pagpapanggap ang Asia’s Best Comedy Actor na si Michael V., kaya isang kwelang karakter ang ipinakita nito noong nakaraang Sabado kasama ang tropa ng Bitoy’s Funniest Videos. Fiancee’ ang drama ni Michael V. Ipinakilala siya ng kanyang pekeng boyfriend sa nanay nito.
* * *
Isang taon nang kasal si Beth Tamayo sa Chinese businessman na si Johnny Wong pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang baby. Ayon kay Beth, sa isang taon pa umano nila planong magkaroon ng baby dahil gusto muna nilang mag-enjoy na silang dalawa lamang. Kapag nariyan na kasi ang kanilang baby ay dito na mabubuhos ang kanilang attention.

Masaya si Beth sa kanyang buhay may asawa dahil very supportive umano ang kanyang mister na si Johnny at hindi siya pinipigilang ipagpatuloy ang kanyang acting career. Katunayan, isa si Beth sa mga tampok na bituin sa ikalawang season ng Now And Forever na tinatampukan din nina Cogie Domingo, Sheryl Cruz, James Blanco, Zoren Legaspi, Nadine Samonte, Jean Saburit at Cris Villanueva mula sa direksiyon ni Mac Alejandre.
* * *
Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na nai-insecure si Tessie Tomas at ibang cast ng Bahay Mo Ba ‘To? dahil naka-sentro umano ang istorya ng programa sa tambalang Francine Prieto at Keempee de Leon samantalang marami sila na bumubuo ng programa?

Ipinaliwanag naman ng isang insider na click umano sa audience ang tambalang Keempee at Francine kaya nadadagdagan ang kanilang mga eksena.
* * *
Personal: Belated birthday greetings sa aking yumaong ama na si G. Bonifacio B. Amoyo nung May 26, sa aking kapatid na si Mely Amoyo nung nakaraang May 30, sa aking ina na si Maria Salome Amosco-Amoyo nung May 31 at sa sister kong si Estrella Amoyo-Anabeza nung nakaraang June 3.
* * *
<[email protected]>

vuukle comment

AIDA GONZALES

BORDER

CELLPADDING

CENTER

COGIE

NAMAN

NOW AND FOREVER

OYO BOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with