^

PSN Showbiz

TV networks sa mga Koreanovela bumabawi

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Iyang si Nora Aunor at si Edgar Mortiz ay produkto ng isang singing contest, ang Tawag ng Tanghalan. Mabilis silang kinilala bilang mga sikat na singers matapos na manalo sa nasabing contest. Sina Pepe Pimentel at ang yumaong si Diomedes Maturan at marami pang iba ay galing din sa contest na iyon.

Noong araw, mabilis na sumikat ang mga nanalo sa mga amateur contests.

Noong magkaroon ng local version ng Star For A Night na sikat na sikat sa Europe at siyang ginagaya ngayon ng maraming singing contests dito sa atin, malakas din ang naging dating ng mga nanalong sina Sarah Geronimo at Rachelle Ann Go. Pero ang mga sumunod pa sa kanila ay hindi na napansin.

Masyado na kasing dumami ang ganyang klase ng contests. Hindi man nagtatagal ang isang winner, may idedeklara na namang ibang champion ang ibang show, tapos iyong mga nanalo sa halip na mabigyan ng tamang build up, nakakasali na lang sa mga TV shows na smorgasbord, kung hindi man matatawag na halu-halo.

Papaano nga napakarami na nila. Hindi mo na alam kung sino nga ba sa kanila ang sisikat talaga, kaya ang nangyari maski na iyong may mga pangalan na, nabatak pa pababa.

Mayroon din namang nanalo sa pagkanta, tapos pinilit na gawin pang artista sa pelikula, kagaya noong nangyari kay Mark Bautista. Ano ang nangyari, flop ang pelikula at may career pa ba siyang masasabi sa pag-arte?

Palagay namin, ok iyang mga ganyang contest pero dapat sana hindi masyadong marami dahil kung ganyan ngang napakarami nang contest, maraming masyadong nananalo, hindi na halos sila mapansin. Para rin iyang mga best actor at best actress, hindi na napapansin dahil sa rami ng nagbibigay ng awards.
* * *
Hindi na natin maikakaila ang katotohanan, iyang mga inilalabas na Korea nobela, ang pambawi ng mga TV networks ng malaking gastos nila sa mga tele-fantasya.

Lalo na nga iyong mga nire-replay nilang mga luma nang tele-novela, wala nang bayad ang mga iyan dahil oras na bilhin nila iyan, kasama na roon ang guarantee na maaari rin nilang mai-replay iyon nang tatlong ulit.

Kaya iyang mga pambobola na "by insistent public demand" inilalabas lang nila iyan para makakuha pa ng commercials nang wala na silang puhunan dahil replay na nga lang iyon.

Naiintindihan din naman namin kung bakit kailangang gawin iyon. Kailangan din naman nila ng pambawi ng gastos, kaya nga lang ang hindi maganda, nababaling ang atensiyon ng audience sa mga palabas na dayuhan at ang nawawalan in the end ay ang mga talents na Pinoy.
* * *
Totoo pala na madalas na gumagawa ng milagro sa isang istambayan ng mga bagets ang isang bading na matinee idol. May isa kaming source na nagsabing maaari raw niyang iharap sa amin ang isang bagets na umaaming nahala na nga siya ng bading na matinee idol nang hindi lamang isa kundi ilang ulit na. Pero sabihin man niya iyon, eh ano nga ba ang katunayan sa sinasabi niya? Unless may maipakita siya sa aming isang malinaw na cellphone video ng kanilang ginagawang milagro, at kailangan malinaw para hindi naide-deny ha.

vuukle comment

DIOMEDES MATURAN

EDGAR MORTIZ

MARK BAUTISTA

NOONG

NORA AUNOR

PEPE PIMENTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with