^

PSN Showbiz

Shaina, menor de edad pa kaya hanggang telepono lang pwedeng ligawan ni Patrick!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Idinenay ni Patrick Garcia ang panliligaw niya kay Shaina Magdayao sa interview namin sa kanya sa presscon ng Mano Po 3: My Love. Pero, ano kaya ang masasabi ni Patrick na ang itinanggi niya’y inamin ng mommy ni Shaina?

Sabi ng mommy ni Shaina nang tanungin tungkol sa panliligaw ng young actor sa anak ay wala silang magagawa’t nanliligaw ang lalaki. Mahirap daw higpitan ang anak at baka magrebelde ito.

Kaya lang, dahil menor de edad si Shaina, hanggang telepono at text messages lang muna ang kanilang communication. Swerte’t nakakapag-usap sila in person ‘pag nagkikita sa ABS-CBN. Sa ngayon, bawal kay Shaina ang tumanggap ng ligaw sa kanilang bahay at makipag-date.

No wonder, inaabot sila ng madaling-araw sa pag-uusap at libu-libo ang phone bills nilang dalawa. Naitsika ng isang kaibigang may access sa phone bills nila sa Globe na for last month, P15,000 ang phone bills ni Patrick at P10,000 naman ang kay Shaina. Mabuti na lang at pareho silang may trabaho’t hindi na kailangang humingi ng pambayad sa kanilang parents.
* * *
Kagaya rin sa ibang babae ang rason ni Kris Aquino kung bakit she makes it a point na magka-terno at maganda ang isinusuot niyang underwear araw-araw. Ayaw niyang pagtsismisan halimbawang maaksidente siya’t kailangang maoperahan. Hindi raw niya mati-take na habang binubuksan siya’y ang underwear niya ang pag-uusapan ng doctors at nurses. Kay Zsazsa Padilla niya ito natutunan na I’m sure, natutunan naman ng singer-actress sa iba.

Incidentally, kahit magaganda ang entry sa Metro Manila Film Festival, umaasa pa rin si Kris na kikita ang Happy Together nila ni Eric Quizon. "I’m confident this will be on top 4. I’ll be very happy," sabi nito.

Hindi rin natatakot si Kris na gumanap na mother nina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi. "I’m an actress at hindi dapat maging consideration ang age ko. Besides, I don’t act my age," katwiran ni Kris.

Hihintayin lang ni Kris ang Parade of Stars ng MMFF sa December 24 at opening ng filmfest sa Dec. 25. Sa Dec. 26, aalis sila ni Joshua for a much needed five day-vacation. Hindi nito sinabi kung saan sila pupunta ng anak pero, dalawang lugar ang kanilang pupuntahan at sa Dec. 31, na ang kanilang balik.
* * *
Tama ba ang information na nakarating sa amin na nagpa-convert na sa Iglesia Ni Cristo ang isang TV host-actress? Pag-ibig ang rason ng pagpapalit ng religion ng aming tinutukoy dahil INC member ang kanyang boyfriend.

Kung totoo ito’y pinatunayan lang ng TV host-actress na mahal niya ang bf at seryoso ang kanilang relasyon. Napag-uusapan na ng dalawa ang kasal kaso, nag-aaral pa ang lalaki kaya, hindi pa nila magawang magpakasal. Tiniyak ng aming source na kapag nag-graduate ang bf ng TV host-actress, sa altar magtatapos ang kanilang magandang relasyon.
* * *
Girl power ang tampok sa ASAP Mania ngayong Linggo. May production number ang grupo nina Maja Salvador, Pauleen Luna, Sarah Christophers, Marcia Cruz, Helga Krapf, Michelle Madrigal, Hazel Ann Mendoza at Angelene Aguilar.

Tampok sa isa pang sing and dance number si Rica Peralejo. Ipapakita ng actress ang husay niya sa pagsayaw.

Samantala, sa Wansapanataym, mapapanood ang episode na Palakokak. Bida sa natatanging episode si Danilo Barrios as Koko, isang palakang in-love kay Wendy (Jodi Santa Maria) na mahilig sa hayop. Boses naman ni Aiza Marquez ang magbibigay buhay kay Koka, ang palakang tunay na nagmamahal kay Koko.

vuukle comment

AIZA MARQUEZ

ANGELENE AGUILAR

DANILO BARRIOS

ERIC QUIZON

HAPPY TOGETHER

HAZEL ANN MENDOZA

HELGA KRAPF

IGLESIA NI CRISTO

SHAINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with