^

PSN Showbiz

Sarah, nag-uwi ng 2 tropeo

-
Nang magsabog ng biyaya ang Diyos, nakabukas na ang mga palad ni Sarah Geronimo. Kaya naman, kaliwa’t kanan at tuloy-tuloy ang biyaya niyang natatanggap.

Meron siyang quadruple platinum album, sold out concerts, TV series, endorsements, pelikula, ngayon naman ay award ang natatanggap niya.

Pagkatapos niyang manalo sa Aliw Awards bilang Most Promising Female Artist, dalawang trophy ang ibinigay sa kanya ng Awit Awards ng Philippine Association of the Record Industry (PARI) na nagkaroon ng awards night last Thursday night sa NBC Tent - Best Performance by a New Female Recording Artist for "Forever’s Not Enough" and Best Dance for "Sa ‘Yo" na parehong galing sa kanyang quadruple platinum album na "Popstar: A Dream Come True" under Viva Records. Sayang nga lang at hindi naka-attend si Sarah sa nasabing awards night. Naga-advance taping kasi siya for Sarah: The Teen Princess na napapanood sa ABS-CBN tuwing hapon opposite Mark Bautista dahil aalis sila para sa kanilang US tour ng Night of the Champions kasama sina Mark, Rachelle Ann Go and Christian Bautista.

"Sayang nga po at hindi ako nakaalis sa taping namin. Gusto ko pong magpasalamat sa PARI dahil napansin nila ako. Lalo po akong mai-inspire sa ginagawa ko dahil sa mga recognition na ibinibigay nila," sabi ni Sarah na excited na sa pag-alis nila papuntang US.

"Iti-treasure ko po ang mga trophies na binigay nila sa akin lalo na ito. Sila ang nagbibigay ng inspiration sa lahat ng mga song writers, singers at sa lahat ng mga taga-music industry at malaking honor po ang mapansin nila ako kahit hindi pa ako gaanong matagal sa industriyang ito.

"Na-excite nga po ako nang malaman kong nominated ako, at apat pa, sayang nga lang talaga at last minute ay nag-taping kami at hindi talaga ako makaalis," she expressed.

vuukle comment

AKO

ALIW AWARDS

AWIT AWARDS

BEST DANCE

BEST PERFORMANCE

DREAM COME TRUE

MARK BAUTISTA

MOST PROMISING FEMALE ARTIST

NEW FEMALE RECORDING ARTIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with