^

PSN Showbiz

Regine, libre sa concert ni JayR!

- Veronica R. Samio -
Handang-handa na ang lahat para sa concert ni JayR na pinamagatang Gameface Reload. Gayong may 15 araw pang nalalabi bago ang kaganapan nito, lalong tumitindi ang pangamba ng Fil-Am singer dahil lubhang napakalaki ng Folk Arts Theater (FAT) para mapuno ang isang baguhang tulad niya. Nakaka-relax lamang siya ng bahagya kapag naiisip na may mga malalakas siyang suporta tulad ng Asia’s Songbird na ibinibigay ang serbisyo sa kanya ng libre. Yes, wala pong bayad ang paglabas ni Regine Velasquez sa FAT. Ito ay tulong niya sa isang baguhan na katulad ni JayR at kasamahan sa SOP Rules ng GMA7.

Bukod kay Regine, kasama pa rin sa show ang mga may malalaking hatak sa tao na katulad nina Aiai delas Alas, Kyla, Sandara Parks, Anton Diva at Pretty Trizsa.

Bagaman at kailan lamang nagsimula ng kanyang career sa Pilipinas si JayR, hinog na siya para sa isang major concert katulad ng Game Reload.

Bago siya pumunta ng Pilipinas ay kumakanta na siya sa US. Myembro siya ng isang acapella group na may pangalang First Impression. Bukod dito ay singer sila ng sister niya sa banda ng kanyang uncle. Yes, ang pamilya ni JayR ay musically inclined, tumutugtog ng piano ang dad niya, ang mom niya, mga sisters niya at maski na mga pamangkin ay kumakantang lahat. Kaya naman masaya sila sa naging success ni JayR dito. Dumating sila nung album launching ni JayR sa Universal Records at darating muli sila para manood ng Gameface Reload.

Mabilis ang naging asenso ni JayR. Kung sabagay, sa ikalawang araw pa lamang ng pagdating niya ay nakuha na siya sa SOP. Ngayon ay isang taon at kalahati na siyang kabilang sa show.

Bukod sa pagkanta, nabigyan na rin siya ng pagkakataon na mag-artista. Lumabas siya sa Love 2 Love at mabenta rin bilang product edorser. Kamakailan ay ginulat n’ya ang lahat nang lumabas siya sa cover ng isang magazine sa isang very sexy pose. Sinundan pa ito ng isang very daring na modeling job sa isang Bench underwear fashion show. Inamin niya na bahagi lamang ito ng kanyang pagiging isang artista pero wala siyang balak na ma-type cast na isang sexy performer, actor man o singer. Katwiran niya, lubha siyang mapayat para matawag na sexy. Pero, pumayag na siyang mag-venture sa pelikula ng Regal sa direksyon ni Mac Alejandre.
* * *
Mukhang talagang panahon ngayon ni Kris Aquino. Bukod sa hindi matatawarang katotohanan na pambato siya ng ABS CBN at Star Cinema. Nawala man ang kanyang Good Morning Kris ay ibinalik naman ang kanyang popular na game show, ang Game Ka Na Ba? Patuloy din ang pagtaas ng popularidad ng kanyang seryeng Hiram.

Sa pelikula naman, dinumog ng mga kilalang personalidad ang invitational premiere showing ng Feng Shui sa Shangri-La. Hindi lamang mga pulitiko ang dumalo kundi maging ang mga kasamahan niya sa pelikula. Lahat sila ay nagkaisang isa nang aktres ang dating anak ng pangulo. Pero di umaasa ng award si Kris sa acting derby next year for the simple reason na nasa Mano Po 3 ang paborito niyang si Vilma Santos.

Maging ang lovelife ni Kris ay kainggit-inggit. Bagaman At tikom ang kanyang bibig, hindi lihim ang pagbabalikan nila ni Gov. Mark Lapid. Okay na sila ni Phillip Salvador.
* * *
e-mail me at: [email protected]

ANTON DIVA

BAGAMAN AT

BUKOD

FENG SHUI

FIRST IMPRESSION

GAMEFACE RELOAD

ISANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with