Ara Mina pasok na sa 'Te Amo'
() - August 12, 2004 - 12:00am
Dahil sa sama ng loob sa muntik na niyang pagsasamantala kay Rosela (Iza Calzado) nang malaman niyang nagpakasal ito kay Fernando (Segundo Cernadas), tuluyan nang nilisan ni Rodelio (Jomari Yllana) ang Sitio Bato-Bato.

Sa Maynila, magtatrabaho siya sa isang hotel at makikilala ang isang babaeng matututunan niyang mahalin.

Ito ang mga pangyayari sa teledramang Te Amo, Maging Sino Ka Man ng GMA.

Malayo na nga ang narating ng kwento nito dahil tuluyan nang nawalan ng pag-asa si Rodelio sa pagmamahal niya kay Rosela dahil nalaman niya ang pagpapakasal nito kay Fernando.

At sa pagpunta ni Rodelio sa Maynila upang makalimot ay makikilala niya si Destiny na gagampanan ng real-life sweetheart ni Jomari na si Ara Mina.

Sa pagpasok pa lang na ito ni Ara sa eksena ay alam mo na agad na malaki ang magiging papel ng karakter niyang si Destiny sa buhay ng karakter ni Jomari na si Rodelio.

Ano nga kaya ang gagawing treatment ng Te Amo, Maging Sino Ka Man sa kwento ng kontrobersyal na couple?

ARA MINA FERNANDO IZA CALZADO JOMARI JOMARI YLLANA MAGING SINO KA MAN RODELIO ROSELA SA MAYNILA TE AMO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with