^

PSN Showbiz

South Border may Araneta concert

PARINIG NGA - Lanie M. Sapitanan -
Tinanggap last Sunday sa SOP ng South Border ang gold record award sa bago nilang album na South Border Episode III na less than a month palang nai-launch.

Kasabay din nito ang pagkakaroon nila ng major concert na gagawin sa Araneta Coliseum sa Sept. 17, na pinamagatang South Border episode III the Show.

Bagama’t group ef-fort ito, hindi ikinakaila ng mga miyembro na malaki ang hatak ng dalawa nilang bagets na vocalist na sina Duncan Ramos at Vince Alaras.

"Hindi po. Ang totoo niyan mas marami akong natutunan sa grupo. Like before I just sing, pero ngayon nananamnam ko na ang mga kanta. Mas confident na rin ako ngayon dahil wider na ang natutunan kong music dahil sa banda," paliwanag ni Vince na excited sa kanilang major concert dahil first time  nilang kumanta sa mas malaking venue.

Tinitiyak ng South Border na magugustuhan ng kanilang fans ang kanilang concert dahil talaga raw pinag-aralan nila itong mabuti.
* * *
Acoustic music ang ‘‘in’’ sa kasalukuyan. At para makasabay sa uso, ang Alpha Music ay naglabas ng OPM acoustic album na siguradong magugustuhan ng mga tagapakinig pinamagatang ‘‘Acoustic Light,’’ ang nasabing album na nagtatampok sa Alpha music from past at present hitmakers.

Ang ‘‘Acoustic Light’’ ay naglalaman ng 15 tracks na naging perennial favorites tulad ng ‘‘Another Rainy Day’’ ni Aiza Seguerra, ‘‘True Love’’ ni Randy Santiago, ‘‘Sana Naman’’ ni Richard Reynoso, ‘‘Fallin’’ ni Rica Peralejo, ‘‘Di Mo Man Hanapin’’ ng Article Six, ‘‘Hiling’’ ng Retrospect, ‘‘Mahal’’ ng Big Men, ‘‘Ikaw Lamang’’ ng Krausswind, ‘‘Sulat’’ ng Moonstar88, ‘‘Tulala’’  ng Cover Me Quick, ‘‘Saying Goodbye" ng Bent, ‘‘Girl’’ ng Immaculate at ‘‘Tabing Ilog’’ ng Barbie’s Cradle.

Ang album ding ito ay natatampok sa mga awiting ‘‘Paalam Na’’ ni Rachel Alejandro at ‘‘You Will Always Be’’ ni Shirley Fuentes, dalawa sa mga popular songs na hindi commonly available sa ibang acoustic albums. Ang ‘‘Acoustic Light’’ ay mabibili na sa high grade cassette at CD sa lahat ng Alpha outlets sa buong bansa.

vuukle comment

ACOUSTIC LIGHT

AIZA SEGUERRA

ALPHA MUSIC

ANOTHER RAINY DAY

ARANETA COLISEUM

ARTICLE SIX

BIG MEN

COVER ME QUICK

SOUTH BORDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with