^

PSN Showbiz

Pops & Martin halos magkapitbahay lang

-
Tuloy na tuloy na ang kauna-unahang major concert ng singer-comedian na si Michael V. na gaganapin sa Araneta Coliseum sa darating na Hulyo 17 (Sabado), ganap na ika-8 ng gabi. Ito’y ididirek ni Floy Quintos habang si Louie Ignacio naman sa telebisyon. Pinamagatang Show Ko ‘To! makakasama ni Michael V. bilang mga espesyal na panauhin sina Jenine Desiderio, Francis M., Allan K., Janno Gibbs, ang Sex Balls ng Bubble Gang, Ranier Castillo at ang iba’t ibang characters na pinasikat ni Bitoy (Michael V.) sa telebisyon.

Ang "Show Ko `To," ay magkatulong na ipu-produce nina G. Orly Ilacad ng OctoArts, Dondon Monteverde ng X-Zone Entertainment, Michael V. at Direk Erik Matti.

"Isang multi-media experience na matutunghayan ng mga manonood.  Isa rin itong comedy-musical show na kakaiba sa lahat," pagmamalaki pa ni Bitoy. 

Ang konsepto ng comedy-musical concert ni Bitoy sa Araneta Coliseum ay magkakatulong na binuo nina Cesar Cosme, Michael V. at Direk Erik Matti. Naghanda rin si Bitoy ng mahigit 20 numbers at kasama na rito ang iba’t ibang production numbers kasama ang kanyang mga special guests.

Gusto sana ni Bitoy na makasama sa show niya ang kasamahan sa Bubble Gang na si Ogie Alcasid. Pero gustuhin man ng huli ay hindi pupuwede dahil paalis si Ogie patungong Australia para dalawin ang kanyang mag-iina.

Talagang talented si Bitoy sa pag-iisip ng iba’t ibang characters na kanyang binibigyang-buhay sa telebisyon at patuloy na kinagigiliwan ng mga manonood. 

Labing-tatlong taon ang binilang ni Bitoy bago niya naisakatuparan ang pagkakaroon ng sariling comedy-musical concert sa Big Dome but it’s all worth the wait dahil mas marami siyang puwedeng ipakita at i-share sa mga manonood.

Samantala, ikinaila ni Bitoy na siya umano ang highest paid among the comedians sa GMA dahil hindi umano ito totoo.   

Dahil sa magandang income ni Bitoy, na-secure na niya ang future ng kanyang pamilya lalo na ang kanyang mga anak.  Natulungan din niya ang kanyang mga magulang at mga kapatid.
* * *
Halos magkapitbahay pa rin sa iisang village (Ayala-Alabang) ang dating mag-asawang Pops Fernandez at Martin Nievera dahil ilang bahay lamang ang pagitan nila kaya hindi hirap ang kanilang dalawang anak na sina Robin (17) at Ram (14) na magpalipat-lipat ng bahay kung kinakailangan. Although magkaibigan ngayon ang estranged couple, hindi pa rin nawawala sa dalawa ang magkatampuhan paminsan-misan.  Tanggap na rin ng dalawa na malabo na silang magkabalikan pa lalo pa’t annulled na ang kanilang kasal.  May respective lovelife na rin ang dating mag-asawa - si Pops kay Brad Turvey at si Martin naman kay Cutie del Mar na siyang ipinalit umano ni Martin sa matagal nitong naging kasintahang si Katrina Ojeda.

Kahit matagal nang hiwalay sina Pops at Martin, never na nagpabaya si Martin ng kanyang responsibilidad bilang ama sa kanyang dalawang anak bagay na ikinatutuwa ni Pops.
* * *
<[email protected]>

ALLAN K

ARANETA COLISEUM

BITOY

BUBBLE GANG

KANYANG

MICHAEL V

SHOW KO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with