^

PSN Showbiz

Magaling na mayor ang aktor

- Veronica R. Samio -
Sino ba ang mag-aakala na magiging isang mahusay na public administrator si Jorge Estregan, Jr., isang magaling na character actor at ngayon ay Mayor Emilio Ramon Ejercito lll ng Pagsanjan, Laguna.

Kung swerteng matatawag dahil dala-dala niya ang pangalan na matagal ding namayani sa industriya ng pelikula, at maging sa pulitika rin, iniwan niya ng milya-milya ang nakalaban niya sa pagka-mayor.

Dahil bagito sa larangan ng pulitika, at talagang desidido na pangatawanan ang kanyang trabaho, kumuha ng isang four-month course sa public administration si Mayor Ejercito na magkatulong na ibinigay ng DILG at UP-National College of Public Administration and Governance.

Ang kanyang bisyon ay ibalik ang Pagsanjan bilang tourist capital ng Laguna, at maalis ang imahe nitong kuta ng mga pedophiles.

Makalipas lamang ang tatlong taon, ngayon lamang siya nagsisimulang baguhin ang Pagsanjan bilang tourist capital ng Laguna. Paano inuna muna niya ang pagpapalago ng kanyang gobyerno – Bukod sa ginawa niyang computerized ang major functions ng kanyang gobyerno, ipinaayos niya ang munisipyo, pinakuha ng mga seminars at workshops ang mga empleyado ng gobyerno at itinaas ang revenue collection.

Bilang pagsisimula ng pag-aangat ng tourism ng Pagsanjan, humingi siya ng tulong sa kapwa niya taga-showbiz na gawing location ang kanyang probinsya para sa shooting, taping at remote telecast ng mga palabas sa TV.

Pinagtuunan din niya ng pansin ang mga bangkero, na may major role sa turismo ng kanyang probinsya. Pinakuha rin niya ang mga ito ng training sa kagandahang asal, moralidad at magandang pag-uugali.

Kung akala n’yo ay sapat na ito, pinilit din ni ER na sugpuin ang paglaganap ng illegal drugs at prostitution sa kanyang lugar. Itinatag din niya ang kauna-unahang tourist police force at swat team at pinagsanay ang mga village security team.

Mag-aapat na taon pa lamang nanunungkulan si ER pero, kilala na siya sa pagiging isang sinserong lingkod bayan. Siya ang mayor na palaging nakikita ng kanyang mga constituents kahit na sa madaling araw o hatinggabi. Madali nila siyang malapitan. Hindi talaga siya umaalis hangga’t hindi niya naririnig ang daing nila o kahilingan nila.

Bagaman at itinuturing na isang mahusay na artista, wala munang balak na balikan ni ER ang kanyang trabaho bilang aktor. Marami pa siyang mga gawain na hindi pa tapos, kaya nga tumatakbo siya para sa kanyang ikalawang termino. At sa malas, tatanggapin siya ng kanyang mga kababayan ng buong puso at bukas palad.
* * *
Si Raul Roco ang pinili ng mga nanood ng nakakaaliw na palabas na Electile Dysfunction sa Music Museum nung Miyerkules ng gabi. Ang palabas ay tungkol sa mga presidentiables na namatay sa isang plane crash. Sa impyerno sila napunta pero kulang ang lugar para magkasya sila kaya kailangang pabalikin sa mundo ang isa. Ang audience ang nag-decide, matapos ipakilala ng mga presidentiables ang kanilang mga sarili sa kanila.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ng mga presidentiables kung napanood nila ang show.

Maraming katotohanan ang nasa likod ng mga pagpapatawa, kaya nga naka-relate ang mga manonood.

Ang galing ng cast, wala kang itulak kabigin dahil ang gagaling ng mga nag-portray kina
GMA (Patricia Ismael), FPJ, Ping Lacson (Nonie Buencamino), Raul Roco, Danding Cojuangco (Buboy Garovillo), yung nag-monologue ng pagka-haba haba tungkol sa ekonomiya ng bansa at maging yung nag-portray kina God (Boy Abunda) at Angel (isang may apelyidong Arrespacochaga).

Binabati ko yung nag-conceptualize ng show at ang direktor nito na si
Leo Rialph.

Mabuti na lamang at naimbitahan kami ni
Manay Ethel Ramos ni Ms. Mandy Navasero para manood ng show. Kung hindi marami sana kaming na-miss bagaman at hindi ako agree sa presentation nila ng aking presidential bet. I didn’t think he is that bad.

Nabusog na ang aming tenga at mga mata sa aming napanood, napuno pa rin ang aming tiyan. Thank you, Mandy, for an entertaining evening.

BOY ABUNDA

BUBOY GAROVILLO

DANDING COJUANGCO

ELECTILE DYSFUNCTION

ISANG

KANYANG

NIYA

PAGSANJAN

RAUL ROCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with